6 opisyal ng BOC, sinibak sa pwesto sa gitna ng imbestigasyon sa umano’y sugar smuggling sa Subic
SINIBAK sa pwesto ang anim na opisyal ng Bureau of Customs (BOC) partikular sa Port of Subic na hinihinalang sangkot sa smuggling ng asukal. Ito ang kinumpirma ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles sa isang pulong balitaan sa Malakanyang ngayong araw. May kaugnayan ang naturang usapin sa nagpapatuloy na imbestigasyon patungkol sa narekober kamakailan na mga smuggled sugar sa nasabing pantalan. Kabilang sa sinibak sa pwesto ay sina: Maritess Theodossis Martin, District Collector Maita Sering Acevedo, Deputy Collector for Assessment Giovanni Ferdinand Aguillon Leynes, Deputy Collector for Operations; Belinda Fernando Lim, Chief of Assessment Division Vincent Mark Solamin Malasmas, Enforcement Security Service (ESS) Commander Justice Roman Silvoza Geli, CIIS Supervisor Saysay pa ni Cruz-Angeles, pansamantalang inilipat ang mga nabanggit na opisyal sa Office of the Commissioner habang sasailalim sa imbestigasyon ang mga ito. Batay na rin ito sa Office Order na may petsang Au...