Pilipinas at Japan, pinagtibay ang usapin kaugnay sa economic cooperation – DFA

PINAGTIBAY ng Pilipinas at Japan ang mga usapin kaugnay sa economic cooperation ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).

Kinumpirma ng Foreign Affairs na nag-usap sa telepono sa pangalawang pagkakataon si Secretary for Foreign Affairs Enrique A. Manalo at Japanese Foreign Minister Hayashi Yoshimasa.

Sinabi ni DFA spokesperson Ma. Teresita Daza,  kabilang sa pag-uusap ng dalawang ministro ang mga prayoridad ng Pilipinas sa ilalim ng bagong administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr.

“The two Ministers discussed PH priorities under the new administration of President Ferdinand Marcos Jr., such as in energy, agriculture and food security, as well as regional and international issues,” pahayag ni Daza.

Ito’y may kinalaman sa enerhiya, agrikultura, at food security, gayundin sa regional at international issues.

Interesado ang gobyerno ng Japan na suportahan ang Pilipinas na maging upper middle-income economy.

Bukod sa kooperasyong pang-ekonomiya, sina Manalo at Hayashi ay sumang-ayon din na isulong ang koordinasyon sa seguridad, pangasiwaan  ang exercises sa pagitan ng Self-Defense Forces at Armed Forces of the Philippines.

Idinagdag din ni Hayashi na ang Japan ay magdaragdag ng pakikipag-ugnayan sa administrasyong Marcos tungo sa pagsasakatuparan ng isang malaya at bukas na Indo-Pacific, sa paraang angkop sa estratehikong partnership ng dalawang bansa.

Samantala, sinabi ni Manalo na ang Manila ay patuloy na makikipag-ugnayan sa Tokyo sa malawak na hanay ng mga agenda at higit na magpapahusay sa bilateral relations.

Nagpalitan din ng kuru-kuro ang dalawa sa mga isyung panrehiyon at internasyonal kabilang ang tensyon sa pagitan  ng Russia at Ukraine, ang sitwasyon sa East at South China Seas, at ang nakapalibot sa Taiwan at Myanmar.

Ayon sa ministeryo, pinalawak ng dalawang partido na magtulungan at harapin ang mga isyu.

Follow SMNI News on Twitter


Comments

Popular posts from this blog

Virtual Pag-IBIG Mobile App, inilunsad para sa mas mahusay na serbisyo

Estados Unidos, inalala ang mga buhay na nasawi sa Sandy Hook School shooting pagkatapos ng 10 taon