AFP, tinanggap ang bagong SMNI PAARU Reservists

TINANGGAP ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang mga bagong reservists sa ilalim ng 2nd Metro Davao Signal Battalion-SMNI PAARU sa isang seremonya na dinaluhan ng army officials at ni Pastor Apollo C. Quiboloy, ng The Kingdom of Jesus Christ at ang Honorary Chairman ng Sonshine Media Network International, World Missionary Chaplain at World Ambassador for Peace.
Simula Pebrero 25 taong 2015, ang SMNI ay may ugnayan na sa Philippine Army Affiliated Reservist Unit (PAARU) kung saan may unit designation ito na 2nd Metro Davao Signal Battalion.
Bilang 2nd Signal Battalion PAARU, ang pangunahing misyon ng SMNI ay tumulong at pangunahan ang mga programa ng national government at AFP sa pamamagitan ng pag-bobroadcast sa radyo at telebisyon gamit ang mga pasilidad at kapabilidad ng SMNI at tumulong o magsagawa rin ng mga humanitarian activity tuwing may mga kalamidad at ipakita ang mga programa at misyon ng 11th RCDG sa pamamagitan ng broadcast media.
Dahil sa pagiging makabayan ni Chaplain Brig. General Ptr. Apollo C. Quiboloy at sa kanyang pagpapahalaga sa disiplina ng militar, isinasagawa ang Military Orientation Training (MOT) kada taon.
Mula noong 2012, opisyal na pinangasiwaan ng 11th RCDG ang MOT sa SMNI reporters, staff, at personnel, at bunga nga rito ang daan-daang enlisted reservist personnel sa ilalim ng 2nd Metro Davao Signal Battalion-SMNI PAARU bawat taon.
Dahil niluwagan na ang mga restriksyon na ipinatupad mula nang magkaroon ng pandemya, ang SMNI sa pamamagitan ng pamumuno ng butihing Pastor ay ipinagpatuloy ang pagsasanay ngayong taon, na nakapag-prodyus naman ng 106 na bagong trainees.
Ang closing ceremony ay dinaluhan ng mga opisyal ng army kabilang sina Major Gen. Nolasco Mempin, commander ng 10th Infantry Division, 1003rd Brigade Commander, Brigadier Gen. Consolito Yecla, commander ng Naval Forces Eastern Mindanao Commodore Carlos Sabarre, at Task Force Davao Commander Col. Darren Comia at marami pang iba.
Pinasalamatan din nina Major Gen. Mempin at Brigadier Gen. Yecla si Chaplain Brig. General Pastor Quiboloy para sa pagpapakilos ng SMNI PAARU bilang tulong sa Philippine Army.
“Yes, we are very grateful and appreciative doon sa programa, sa effort ni Pastor Quiboloy, was founded 2015 pa itong PAARU na ito at masasabi natin na very noble itong intention, even sa part ng media na makatulong talaga because alam naman natin na, malaki ang role ng media sa nation-building and peace building,” ayon kay Mempin.
“And bilang SMNI as PAARU, malaking pasalamat ko bilang isang brigade commander sapagkat naging bahagi, naging partner namin iyong SMNI lalo na sa counter insurgency operations, gusto kong i-emphasize na, in the area of 1003rd Brigade na achieve na natin ung 100 percent clearing and neutralization of all NPA Units dito sa area natin, at ito ay na attain natin sa tulong ng SMNI no kasi napaka ganda ng advocacy ng SMNI in fighting against the insurgents,” ayon naman kay Yecla.
Samantala, binigyang-diin ni Chaplain Brig. Gen. Pastor Apollo C. Quiboloy ang commitment ng SMNI sa pagtulong sa gobyerno sa paglaban nito sa insurhensya, terorismo, mga kalamidad, at humanitarian response.
“SMNI is about peace, of not only in the military, but the whole Filipino nation against this salot no, na tinatawag na mga CPP-NPA-NDF,” pahayag ni Pastor Apollo.
“Yes ipagpapatuloy talaga, kaya meron tayong Laban Kasama ang Bayan kasi patuloy ang ating laban sa buong Pilipinas yan na malinis na talaga, surrender na lahat. Itong ating malaking bangungot sa Pilipinas na dulot ng CPP-NPA-NDF,” ayon pa kay Pastor Apollo.
“Well, iyong 2nd Military Division ng Signal Battalion under PAARU, yun ang SMNI that’s under me, so being had the rank of Brig. General World Missionary Chaplain, and World Peace Ambassador, I am here to augment whatever it is necessary to help our country to the composite of this military battalion. So iyon ang ating reserved force, iyong PAARU natin dito,” dagdag ng butihing Pastor.
Ang PAARU ay nagsasagawa ng taunang military training upang itaas ang kamalayan at basic military skills na malaking tulong sa pamahalaan sa oras ng mga sakuna o kalamidad.
Comments
Post a Comment