Yakap ng Magulang Movement, nangangambang maulit ang pananambang ng NPA sa maghahatid ng tulong sa nasalanta ng bagyo

PINAG-iingat ng anti-communsit group na Yakap ng Magulang ang mga sundalo at kapulisan na maghahatid ng tulong sa mga nasalanta ng bagyo sa iba’t ibang panig ng bansa.
Kasunod ito ng nangyaring ambush sa mga kasundaluhan sa lalawigan ng Abra habang maghahatid ang mga ito ng tulong para sa mga biktima ng lindol sa lalawigan.
Umaasa si Relissa Lucena, pangulo ng Yakap ng Magulang Movement na hindi mangyayari ang karumal-dumal na ambush incident na ito sa mga tropa ng pamahalaan.
Ito’y para maihatid nang mabilis at ligtas ang mga ayuda ng gobyerno kasama na rin ang mga tulong mula sa pribadong sektor.
Ayon sa grupo, hindi panahon ng pananamantala ngayon kundi panahon ng pagkakaisa at pakikipagtulungan lalo na sa mga pamilya na nawalan ng tirahan at kabuhayan dahil sa nagdaang kalamidad.
Comments
Post a Comment