NSA Clarita Carlos, bumisita sa Pag-asa Island sa West Philippine Sea

MAINIT na sinalubong ni AFP Western Command (WesCom) commander Vice Admiral Alberto Carlos si National Security Adviser (NSA) Secretary Clarita Carlos sa pagdating sa Palawan.

Agad na nakipagpulong si Secretary Carlos sa mga opisyal at tauhan ng WesCom sa Antonio Bautista Air Base sa Puerto Princesa City.

Mula sa Palawan, sumakay ng military aircraft si Secretary Carlos patungong Pag-asa Island sa West Philippine Sea (WPS) kung saan nakipagpulong siya sa mga opisyal ng local government unit (LGU) ng Kalayaan, militar, at mga lokal na residente.

Ayon kay Vice Admiral Carlos, ang pagbisita ni Secretary Carlos ay nagpapakita ng iisang adhikain, matatag na paninindigan, at hindi natitinag na dedikasyon upang protektahan ang mga mamamayan at ang estado.

Follow SMNI NEWS in Twitter


Comments

Popular posts from this blog

Virtual Pag-IBIG Mobile App, inilunsad para sa mas mahusay na serbisyo

Estados Unidos, inalala ang mga buhay na nasawi sa Sandy Hook School shooting pagkatapos ng 10 taon