Mga opisyal na sangkot sa illegal sugar importation, hinamon na mag-resign ni Pastor Apollo C. Quiboloy

HINAMON ni Pastor Apollo C. Quiboloy, Honorary Chairman ng SMNI ang lahat ng mga opisyal na may kinalaman sa iligal na importasyon ng asukal na magretiro na sa pwesto.

Ito ay kasunod ng pagresign ng ilang opisyal ng Sugar Regulatory Administration (SRA) matapos pumutok ang kontrobersiya sa ahensya ukol sa sugar importation.

Ani Pastor Apollo, karapat-dapat na managot sa batas ang mga sangkot sa anomalya at korupsyon sa ahensya dahil ito ay maituturing na pagtataksil sa bayan.

Kaugnay nito, mariing iginiit ni Pastor Apollo na isang paglapastangan ang paggamit sa pirma ng Pangulo.

Matatandaan na pinirmahan ni dating Agriculture Undersecretary Leocadio Sebastian ang pangalan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. sa Sugar Order No. 4 na layong mag-angkat ng 300,000 metric tons ng asukal nang walang pahintulot mula sa Punong Ehekutibo.

Sa kabila nito, inihayag ng butihing Pastor na dapat matapat na mga opisyal ang italaga ng Pangulo sa pwesto upang mahinto na ang ganitong uri ng mga anomalya at korapsyon.

Follow SMNI NEWS in Twitter


Comments

Popular posts from this blog

Virtual Pag-IBIG Mobile App, inilunsad para sa mas mahusay na serbisyo

Estados Unidos, inalala ang mga buhay na nasawi sa Sandy Hook School shooting pagkatapos ng 10 taon