Pre-emptive evacuation, ipinatupad sa ilang lugar dahil sa bagyong Florita

NAGPATUPAD ng pre-emptive evacuation sa ilang lugar na posibleng makaranas ng epekto ng bagyong Florita.

Sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), aabot sa 180 pamilya o 543 indibidwal ang inilikas dahil sa masamang panahon.

Nagmula ito sa Cordillera Administrative Region (CAR) at Region 2.

Tinututukan din ng NDRRMC ang iba pang lugar na posibleng magpatupad ng paglikas sa mga residente.

Sa ngayon, naka-red alert ang ahensya kung saan pinagana na rin nila ang response cluster.

Follow SMNI NEWS in Twitter


Comments

Popular posts from this blog

Yakap ng Magulang Movement, nangangambang maulit ang pananambang ng NPA sa maghahatid ng tulong sa nasalanta ng bagyo

AFP, tinanggap ang bagong SMNI PAARU Reservists

Virtual Pag-IBIG Mobile App, inilunsad para sa mas mahusay na serbisyo