Japan, nakapagtala ng 255,000 na bagong kaso ng COVID-19

NAITALA ng Japan kahapon ang pinakamataas na rekord ng Coronavirus kung saan mahigit sa 255,000 ang bilang ng mga bagong kaso ng COVID-19 sa ikapitong wave ng pandemya.

Dahil sa mabilis na pagkalat ng nakahahawang Omicron BA.5 subvariant lumagpas na sa dating record tally na 250,403 noong Agosto 10 ang naitalang kaso kahapon Agosto 18.

At inaasahang tataas pa ang bilang ng impeksyon dahil sa mas pinipiling magbiyahe ng karamihan sa panahon ng bon summer holiday na walang anumang restriksyon.

Nanawagan naman si Health Minister Katsunubo Kato sa lahat ng mamamayan na manatiling nakaalerto sa patuloy na pagtaas ng impeksyon kasabay ng pagtaas ng hospital bed occupancy rate, death toll, at bilang ng pasyente na may malubhang sintomas ng COVID-19.

Samantala, nasa 17 prefecture kabilang ang Yamagata at Tokushima ang nakitaan ng pagtaas ng bilang ng mga bagong kaso mula noong nakaraang linggo.

Follow SMNI NEWS in Twitter


Comments

Popular posts from this blog

Yakap ng Magulang Movement, nangangambang maulit ang pananambang ng NPA sa maghahatid ng tulong sa nasalanta ng bagyo

AFP, tinanggap ang bagong SMNI PAARU Reservists

Virtual Pag-IBIG Mobile App, inilunsad para sa mas mahusay na serbisyo