Pondo para sa cancer assistance ng pamahalaan na hindi nagagamit, pinaiimbestigahan sa Kamara

NABAHALA ang isang mambabatas dahil hanggang ngayon hindi pa nagagamit ang cancer assistance fund ng pamahalaan ilang buwan bago matapos ang taong 2022.

Sa panayam ng SMNI News kay Kabayan Partylist Rep. Ron Salo, giit nito na wala pang bawas ang mahigit P700-M na pondo para sa Cancer and Supportive-Palliative Medicines Access Program at mahigit P500-Million para sa Cancer Assistance Fund.

“Para sa taong 2022, umaabot po sa around P3.2 Billion ang nilaan po ng pamahalaan para sa ganitong pagtulong sa mga may cancer and yet as of the moment, wala pa pong nagagastos kahit singko,” pahayag ni Salo.

Para sa mambabatas, kung nagamit lang ang pondo ay marami na sanang  natulungang Pinoy na may cancer.

“Imagine from January to August at 4 months nalang po ang naiwan [sa taong 2022] kamusta po kaya yung mga dapat natulungan? So most likely wala na po sila. Maaring namatay o maaaring natutuloy na nalulugmok po sila doon sa kanilang kinahaharap na health issue, health concern,” ayon pa ni Salo.

Sa budget process sa Kongreso, giit ni Salo na mahirap magsulong ng isang programa na mapondohan ng pamahalaan.

Kaya dapat ginamit ng Department of Health (DOH) ang pondo para sa anti-cancer program.

Batay sa kasalukuyang datos 153,000 ang new cancer cases sa bansa habang nasa 92,000 ang mga namatay na Pinoy noong 2020.

“Number 2, mangyayari po yan kung hindi nagagastos, sa susunod na taon maaaring mawala po ‘yung pondo na hindi pondohan oh di kaya mababawasan ang pondo na inilalalaan dahil alam po ng ating Department of Budget and Management na wala silang kakayahan na gastusin po ito,” ani Salo.

Pinaiimbestigahan naman ni Salo sa House Committee on Health sa kanyang House Resolution Number 252 ang DOH kung bakit hindi nagagamit ang pondo.

“Bakit ganito po kalaki at ano ang nangyayari? At after 8 months, hindi po nagastos o hindi po nagamit ‘yung pondo na nilaan po sa mga kababayan natin na may cancer,” ani Salo.

Follow SMNI News on Twitter


Comments

Popular posts from this blog

Virtual Pag-IBIG Mobile App, inilunsad para sa mas mahusay na serbisyo

Estados Unidos, inalala ang mga buhay na nasawi sa Sandy Hook School shooting pagkatapos ng 10 taon