Panukalang batas na magbibigay kompensasyon sa mga biktima ng ‘wrong apprehension,’ inihain sa Kamara

PINABIBIGYAN ng kompensasyon ng isang panukalang batas ang mga biktima ng ‘wrong apprehension’ ng mga traffic enforcer.

Sakop ng House Bill 3366 ni 1-Rider Party-list Rep. Bonifacio Bosita ang pagbibigay- proteksyon sa mga motorista laban sa maling pagsita o paghuli ng mga enforcer sa daan.

Saad ni Bosita na nakakatakot na karanasan para sa ilang motorista ang masita o mahuli lalo na kung mali ang ‘apprehension’ na ginawa.

Diin ni Bosita na kadalasang nangyayari ang ‘improper traffic apprehension’ sa paghahabol ng enforcers na maabot ang kanilang quota sa paniniket o ang isang enforcer ay salat sa kaalaman sa traffic laws, rules, regulations at maaari din na sinasadya ang paghuli dahil sa personal na mga rason.

Sakop ng panukala na kapag hindi napatunayan ng traffic enforcer ang violation sa Traffic Adjudication Board ay pagbabayarin ang nanghuli ng kompensasyon bukod pa sa pagkakatanggal sa serbisyo.

Ang traffic enforcer din ang magbabayad sa towing at impounding charge pati na kung merong damage o nawalang parte o piyesa ng sasakyan.

Batay rin sa panukala, maaaring sampahan ng administrative charges ang mga pasaway na traffic enforcer.

Follow SMNI NEWS in Twitter


Comments

Popular posts from this blog

Virtual Pag-IBIG Mobile App, inilunsad para sa mas mahusay na serbisyo

Estados Unidos, inalala ang mga buhay na nasawi sa Sandy Hook School shooting pagkatapos ng 10 taon