Cargo vessel na may kargang saku-sakong asukal, hinarang ng BOC

HINARANG ng Bureau of Customs (BOC) nitong Huwebes, August 18 ang isang cargo vessel na may kargang saku-sakong asukal.

Lulan ng barkong MV Bangpakew ang 7,000 metric tons ng asukal.

Ayon kay BOC Acting Commissioner Yogi Felimon Ruiz, ‘recycled’ ang mga dokumento na iprinesenta ng barko.

Sinasabing ang mga saku-sakong asukal ay inimport mula sa bansang Thailand.

Matatandaan na kahapon ay 2 warehouse ng asukal ang sinalakay ng BOC dahil sa ulat ng hoarding at smuggled ang produkto.

Follow SMNI NEWS in Twitter


Comments

Popular posts from this blog

Yakap ng Magulang Movement, nangangambang maulit ang pananambang ng NPA sa maghahatid ng tulong sa nasalanta ng bagyo

AFP, tinanggap ang bagong SMNI PAARU Reservists

Virtual Pag-IBIG Mobile App, inilunsad para sa mas mahusay na serbisyo