DFA, nakahandang paghusayin ang mga umiiral na relasyon sa pagitan ng Pilipinas at iba pang bansa

INIHAYAG ni Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Enrique Manalo na ganap nang nakahanda ang Pilipinas na paghusayin ang mga umiiral na relasyon sa pagitan ng Pilipinas at ibang bansa.
Gaya nga ng sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., muling nagpaalala ang DFA na patuloy na isusulong ng bansa ang independent foreign policy kung saan friends to all, enemies to none ang Pilipinas.
Sa isang meet and greet sa mga mamamahayag, inihayag ni Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo na hindi lamang nakahanda na paghusayin ng bansa ang mga umiiral na relasyon kundi gayundin ang paglinang at pagbigkis ng mga bagong ugnayan.
Dagdag din ng kalihim na bukod dito nakahanda rin ang kagawaran na magsagawa ng naaangkop na mga diplomatikong aksyon, lalo na kung ito ay may kaugnayan sa proseso sa inter-agency at napatunayan na nilabag ang soberenya ng Pilipinas.
Napakalinaw aniya ng sinabi ni Pangulong Marcos na hindi natin pababayaan kahit isang pulgadang parisukat ang teritoryo ng Pilipinas.
Pagdidiin pa ni Manalo, kahit pa nakikipag-ugnayan sa digital na diplomasya ang bansa na may bukas na mga armas, malinaw na hindi natin magagawa ang mga bagay na mag-isa.
BASAHIN: Bawas-oras ng pagproseso ng passport, tututukan ng Department of Foreign Affairs
Comments
Post a Comment