Bodega ng umano’y naka-hoard na libu-libong sako ng asukal, sinalakay ng BOC

SINALAKAY ng Bureau of Customs (BOC) ang isang warehouse na umano’y nagho-hoard ng libu-libong sako ng asukal.
Ito ay sa gitna ng mga reklamo ng mga mamimili sa mataas na presyo ng asukal sa merkado.
Ayon kay Press Secretary Trixie-Cruz Angeles, sinalakay ng mga operatiba ng Clark-Based Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) at Enforcement and Security Service (ESS) – Quick Reaction Team ang Lison Building na kinaroroonan ng New Public Market sa Barangay Del Pilar sa San Fernando, Pampanga.
Ang pagsalakay ay ginawa sa utos ni Executive Secretary Victor Rodriguez alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa BOC na gamitin ang kanilang visitial powers sa lahat ng Customs bonded warehouse at upang suriin ang imbentaryo ng mga imported na produktong agrikultura na may layuning malaman kung mayroong hoarding ng asukal.
Sinabi ni Rodriguez na ang pagsalakay ay babala na rin sa mga unscrupulous traders na kasalukuyang nag-iimbak ng kanilang mga stock ng asukal upang kumita mula sa kasalukuyang sitwasyon ng kakulangan sa artificial na asukal.
Comments
Post a Comment