Women’s volleyball ng Pilipinas, magkakaroon ng tsansa na makakuha ng FIVB points at lumaban sa VNLCC

MAGKAKAROON ng tsansa ang Women’s Volleybal Team na makakuha ng valuable FIVB points at lumaban sa prestihiyosong Volleyball Nations League Challenger Cup (VNLCC).
Ayon kay Asian Volleyball Confederation (AVC) Control Committee President at Technical Director Dr. Han Joo Eom na gaganapin na kada taon ang AVC Cup para sa mga babae at uumpisahan na sa susunod na taon kung saan puede makakuha ng puntos.
Samantala, ang tournament na dating ginagawa kada dalawang taon ay magsisilbing qualification para sa mga team na naghahangad para sumali sa Challenger Cup.
Aminado naman si Eom na medyo nahirapan sila ngayong taon dahil maraming mga koponan ang nangako na sasali sa kumpetisyon ngunit dahil sa sitwasyon, hindi nakasali ang mga ito.
Dagdag pa nito, ang championship ay mas importante.
Nagpapasalamat naman si Eom sa bansa dahil sa pag-host ng tournament sa kabila ng mga hamon.
Magugunitang, pang-siyam ang women’s volleyball ng bansa noong 2018 AVC Cup at nakatakda nitong kalabanin ang mga bansang China, Japan, South Korea, Vietnam, Iran, Thailand, Chinese, Taipei at Australia na nag-umpisa kahapon sa Philsports Arena sa Pasig City.
Comments
Post a Comment