Pang. Marcos, nanawagan sa LGVP na makipagtulungan sa administrasyon

KINILALA ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. ang papel ng vice governors ng bansa bilang agents of change.
Kaya panawagan ni Pangulong Marcos sa League of Vice Governors of the Philippines (LGVP) na makipagtulungan sa administrasyon.
Ang panawagan ng Punong Ehekutibo ay kasunod ng naganap oath-taking ng mga opisyales ng LGVP sa Palasyo ng Malacañang.
Inihayag pa ni Pangulong Marcos na idinalangin niya na ang bawat bise gobernador ay makikipagtulungan sa administrasyon upang makamit ang pagbabagong hangad para sa bansa.
Nitong Agosto 16, nanumpa ang mga bise gobernador na magiging tapat na maglilingkod-bayan sa mga mamamayan ng kanilang mga probinsiya.
Lubos naman ang pasasalamat ng Punong Ehekutibo sa mga bise gobernador na kasapi ng naturang liga.
Ang LGVP ay binubuo ng vice governors ng 81 mga probinsiya sa bansa.
Matatandaang noong Agosto 11, nakipagpulong din si PBBM sa mga miyembro ng League of Provinces of the Philippines (LPP).
Natalakay sa nasabing pulong ang mga estratehiya na magpapatatag ng food supply sa bansa.
Binibigyang-diin ni Pangulong Marcos sa mga ginagawang pulong sa mga lokal na opisyal na napakahalaga ang pinag-ibayong koordinasyon ng mga ito sa national government upang matiyak ang food security.
BASAHIN: Pang. Marcos, nakipagpulong sa Philippine Chamber of Food Manufacturers
Comments
Post a Comment