Libu-libong mga pasahero, namonitor ng PCG sa mga pantalan bago ang pagbabalik eskwela

Libu-libong mga pasahero na ang namonitor ng Philippine Coast Guard (PCG) sa mga pantalan sa iba’t ibang bahagi ng bansa bago ang pagbabalik eskwela sa Lunes, Agosto 22, 2022.
Sa Oplan Balik Eskwela 2022, sinabi ng PCG na kabuuang 10,739 outbound passenger at 8,792 inbound passenger na ang namonitor sa lahat ng pantalan sa bansa.
Nasa 2,239 PCG personnel naman ang idineploy sa 15 PCG District para inspeksyonin ang 205 vessels at 198 motorbancas.
Una nang inilagay ng PCG ang kanilang district, stations at sub-stations sa heightened alert status simula Agosto 1-29.
Ito ay para matiyak ang kaligtasan at seguridad ng mga mag-aaral at iba pang pasahero na bumabiyahe sa dagat bilang paghahanda sa pagbubukas ng School Year 2022-2023.
Comments
Post a Comment