Globe, Smart at Dito Telecom, inutusan ng NTC na paramihin ang cell towers sa ‘rural areas’

INUTUSAN ng National Telecommunications Commission (NTC) ang tatlong major telecommunication companies sa bansa na paramihin ang kanilang cell towers.

Kabilang sa pinagagalaw ng NTC ang Globe, Smart at DITO Telecoms.

Sa isang liham na pirmado ni NTC Commissioner Gamaliel Cordoba, inatasan nito ang mga nabanggit na kumpanya na paramihin pa ang kanilang towers sa mga liblib at malalayong lugar para makatulong sa mga micro, small and medium enterprises.

Nag-ugat naman ang order ng NTC sa request ni House Minority Leader at 4Ps Party-list Rep. Marcelino Libanan.

“At alam niyo po ‘yung internet napakaraming impormasyon na makukuha natin doon. Kung anong hanapbuhay ang gusto mo, pipindot ka lang niyan. Ang daming hanapbuhay na maibibigay niya at kung anong gagawin mo. Kahit yung pagre-repair ng kung ano-ano kumpleto po sa internet. So, kung magkakaroon tayo ng mga cell sites, mga signals na mga mabibilis ito po ay magiging source ng napakaraming tinatawag na impormasyon ng ating mga tao,” pahayag ni Libanan.

Giit naman ng minority leader na kailangang ma-maximize ang prangkisang iginagawad ng pamahalaan sa tatlong telco.

Kaya dapat maayos ang serbisyo ng mga ito sa lalong madaling panahon.

Sa tanong kung magpapatawag ba ng hearing si Libanan oras na hindi umaksyon ang mga telco sa utos ng NTC?

“Siyempre kung napakahina at napakabagal pwede nating ma-review at puwede nating matanong kung bakit nangyayari yan at pupwede rin tayong gumawa ng mga rekomendasyon kung sakaling magpatuloy na mahina at walang mga signals ang ating mga internet at walang mga towers,” ayon kay Libanan.

Sa ngayon ay wala pang sagot ang tatlong Telco sa utos ng NTC.

Follow SMNI News on Twitter


Comments

Popular posts from this blog

Virtual Pag-IBIG Mobile App, inilunsad para sa mas mahusay na serbisyo

Estados Unidos, inalala ang mga buhay na nasawi sa Sandy Hook School shooting pagkatapos ng 10 taon