Marcos administration, kailangang mapatatag ang kanilang plataporma laban sa krimen – VACC

MATINDI ang political will ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte laban sa lahat ng uri ng krimen noong ito pa ang namumuno sa bansa.

Sa larangang ito nakaka-miss ang Duterte administration ayon kay Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) President Arsenio Evangelista sa panayam ng SMNI News.

Matatandaang kamay na bakal ang ipinaiiral ni dating Pangulong Duterte laban sa illegal drugs, carnapping, kidnapping, robbery, hold-up, rape cases, opportunity crimes at iba pa.

Ito ang inihayag ni Evangelista kaugnay sa sunod-sunod na kidnapping at sa tumataas na crime rate ngayon sa bansa.

Binigyang importansya ni Evangelista na mas nakatutulong sa seguridad sa bansa kung may pronouncement ang gobyerno hinggil sa peace and order at pagpatutupad ng curfew.

Kung mataas aniya ang crime rate ng isang bansa, nakakaapekto ito sa ekonomiya at maging sa turismo.

Panawagan ngayon ng VACC, kailangang mapatatag ng Marcos administration ang kanilang plataporma hinggil sa isyung ito at isang hakbang tungo sa pagpapanatili dito ay ang pagiging visible ng mga awtoridad.

Follow SMNI NEWS in Twitter


Comments

Popular posts from this blog

Virtual Pag-IBIG Mobile App, inilunsad para sa mas mahusay na serbisyo

Estados Unidos, inalala ang mga buhay na nasawi sa Sandy Hook School shooting pagkatapos ng 10 taon