Kabataan Rep. Raoul Manuel, “NPA Recruitment Queen” – Dr. Lorraine Badoy

BINANSAGANG “NPA Recruitment Queen” kahapon si Kabataan Party-list Representative Raoul Manuel ni former NTF-ELCAC Spokesperson Dr. Lorraine Badoy.

Ito’y matapos maglabas ng pahayag ang nabanggit na kongresista na red-tagging queen umano si Vice President Sara Duterte.

Matatandaan na una nang kinondena ng Ikalawang Pangulo ang mga gawa ng CPP-NPA-NDF sa pagre-recruit ng mga kabataan.

Isa sa dahilan kung bakit tinawag ni Badoy na recruitment queen si Manuel ay dahil sa pag-recruit mismo nito sa isang estudyante ng UP na namatay sa sagupaan dahil sa mga aral at pag-uudyok ni Manuel na sumali, magtanggap ng armas at maging bahagi ng New People’s Army.

“One such child that Raoul Manuel recruited was Marvin Cruz. ‘Yun lang ‘yung nalaman natin di ba pero actually maraming ni-recruit itong si Raoul Manuel and what happened to Marvin Cruz. Sumali siya…UP Visayas student ito. He joined the LFS, sa IBON pero through Raoul Manuel recruited him at the age of 17. And then he became an NPA and when he was 21, he died fighting government. Just imagine 21 years old patay ka na. He had the bright future, he was a UP student, scholar pero he turned his back from that hanggang first year lang siya kasi naniniwala siya sa kasinungalingan ni Raoul Manuel. And that’s Raoul Manuel never forget that si Raoul Manuel ang gumawa niyan,” pahayag ni Badoy.

Samantala sinaluduhan naman ng dating lider ng CPP-NPA-NDF na nagbalik-loob na si Jeffrey “Ka Eric” Celiz ang isinusulong na panukala ni Senator Ronald “Bato” Dela Rosa na kanselahin ang mga partylist ng Makabayan bloc.

Ayon kay Dela Rosa, ang mga parylist ng Makabayan bloc kabilang na ang Kabataan Party-list na nirerepresenta ni Raoul Manuel ay sumisira sa demokrasya at gobyerno ng ating bansa.

“Sana, COMELEC, magtutulungan tayo matapos ang problema na ito dahil itong mga party lists na ito ginagamit nila ang pagpasok sa gobyerno para sirain ang gobyerno,” pahayag ni Senador Dela Rosa.

“Kaya maganda ‘yung panukala ni Senator Dela Rosa sana mailusot natin ito ‘yung panukalang batas na ang mga party-list groups, and political groups, and political parties involved in the promotion of terrorism, operations of terrorist groups such as CPP-NPA-NDF ay dapat hindi pinapayagan na makabahagi o sumali sa eleksyon o sa ating mga electoral campaign at dapat gawin na ‘yan ng COMELEC at ‘yan ang dahilan kung bakit saludo kami sa’yo Senator Dela Rosa, ikaw lang yata ang naiiwang boses ngayon diyan sa Senado na nagkakaroon ng maliwanag na pag-asa ang taumbayan upang ang mga ganitong batas ay sana mabilis na maipasa at ma-certify ito ni Pangulong Bongbong Marcos na priority legislative agenda,” ayon kay Ka Eric.

Sa kabilang banda naman, isa rin sa dahilan kung bakit binansagang NPA recruitment queen si Raoul Manuel ay dahil ipinasa na raw ni former Usec. Lorraine Badoy ang kanyang pagiging red-tagging queen kay VP Sara Duterte.

Follow SMNI News on Twitter


Comments

Popular posts from this blog

Virtual Pag-IBIG Mobile App, inilunsad para sa mas mahusay na serbisyo

Estados Unidos, inalala ang mga buhay na nasawi sa Sandy Hook School shooting pagkatapos ng 10 taon