Publiko, pinag-iingat sa posibleng epekto ng bagyong Florita

PINAG-IINGAT ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang mga residente sa mga lugar na posibleng maapektuhan ng bagyong Florita.
Sa weather bulletin ng PAGASA, nakataas ang signal number 1 sa Cagayan, Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, Apayao, Abra, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, Ilocos Norte, Ilocos Sur at hilagang bahagi ng Aurora.
Malakas na hangin ang iiral o inaasahan sa loob ng susunod na 36 na oras sa mga nabanggit na lugar.
Ayon sa NDRRMC, pinapayuhan ang mga residente sa apektadong lugar na mag-ingat sa banta ng pagbaha, pagguho ng lupa, at sa panganib ng malakas na hangin na dala ng bagyo.
Nakahanda aniya ang NDRRMC maging ang iba’t ibang mga Regional DRRM Councils, mga ahensya ng pamahalaan at mga pamahalaang lokal para sa mga posibleng sakunang idulot ng bagyo.
Comments
Post a Comment