PRO Cordillera, nakahanda na sa epekto ng bagyong Florita

INATASAN ni Police Regional Office Cordillera (PRO-COR) regional director Police Brigadier General Mafelino Bazar ang lahat ng kanilang provincial directors at city directors na makipag-ugnayan sa Local Disaster Risk Reduction and Management Office.
Ito ay upang maging maayos at organisado ang pagtugon sa posibleng epekto ng bagyong Florita sa kanilang rehiyon.
Ayon kay Bazar, naka-standby na ang 1,882 search and rescue (SAR) trained personnel at 1,953 Reactionary Standby Support Force (RSSF).
Tumulong din ang RSSF na mag-unload ng tinatayang 2,832 piraso ng DSWD kitchen kit sa DSWD Storage Facility sa La Trinidad, Benguet.
Kasabay nito, pinaalalahanan ni Bazar ang publiko na gawin ang mga kinakailangang paghahanda sa bagyo.
Samantala, nasa signal number 3 ang Apayao; signal 2 ang Abra, Ifugao, Kalinga at Mt. Province; at signal 1 ang Benguet na area of responsibility ng PRO Cordillera.
Comments
Post a Comment