Mga kalaban ng estado, hindi dapat katakutan – Pastor Apollo C. Quiboloy

HINDI dapat katakutan ang teroristang grupong CPP-NPA-NDF na kalaban ng estado.
Ito ang hayagang sinabi ni SMNI Honorary Chairman Pastor Apollo C. Quiboloy sa kanyang programang Sounds of Worship noong Linggo.
Ayon kay Pastor Apollo, misyon niyang alisin ang pagkatakot ng mga Pilipino mula sa ideolohiyang walang Panginoon na ito ng teroristang grupo.
Dagdag pa ng butihing Pastor, tao rin ang mga ito kaya hindi dapat na katakutan.
Bukod pa dito, binigyang-diin din ni Pastor Apollo na babagsak na ang CPP-NPA-NDF dahil mas makapangyarihan aniya ang Panginoon laban sa mga ito.
Sa ngayon, patuloy na pinangunahan ni Pastor Apollo ang paglantad ng mga karahasan ng teroristang grupong CPP-NPA-NDF at ang ginagawang pangrerecruit ng mga ito ng mga kabataan para sa kanilang armadong pakikibaka na layong pabagsakin ang gobyerno.
Partikular na rito ang mga party-list group na tinukoy ng gobyerno na mga legal front ng komunistang grupo at nangunguna sa kanilang recruitment tulad ng Kabataan Party-list, Gabriela Party-list at ACT-Teachers Party-list o KAGAT.
Comments
Post a Comment