Press Secretary Trixie Cruz-Angeles, may TikTok account na rin

MAYROON na ring TikTok account si Press Secretary Trixie Cruz-Angeles, isang government official, lawyer, radio commentator at isang vlogger.

Gamit ni Cruz-Angeles ang account na @seccruzangeles sa TikTok.

Una nag-post ito ngayong linggo ng #grwm o get ready with me kung saan naghahanda ito para sa press briefing ng Palasyo at nagiimbita ng mga follower upang tingnan ang kanilang mga routine.

Ang kanyang pinakahuling TikTok ay isang recap sa katatapos lamang na oath-taking ng mga bagong miyembro ng Bangsamoro Transition Authority (BTA), interim government ng Bangsamoro Autonomous Region sa Muslim Mindanao (BARMM) sa Palasyo ng MalacaƱang sa Maynila nitong Biyernes.

Sa ngayon, mayroon ng 14,500 na follower si Cruz-Angeles sa kanyang TikTok account.

Maliban sa TikTok account, mayroon ding dalawang Facebook pages si Cruz-Angeles at ang Office of the Press Secretary gayundin ang mga Twitter account.

Ang opisina rin ni Angeles ang namamahala sa Facebook page ng Office of the President Facebook page.

Una nang sinabi ni Sec. Angeles na mas lalong magiging responsive ang gobyerno sa pangangailangan ng mga Pinoy.

Dagdag pa ni Angeles, patuloy na magmo-monitor ang gobyerno sa social media platforms para makakuha ng feedback mula sa mga tao.

Follow SMNI NEWS in Twitter


Comments

Popular posts from this blog

Yakap ng Magulang Movement, nangangambang maulit ang pananambang ng NPA sa maghahatid ng tulong sa nasalanta ng bagyo

AFP, tinanggap ang bagong SMNI PAARU Reservists

Virtual Pag-IBIG Mobile App, inilunsad para sa mas mahusay na serbisyo