DepEd, pinababalangkas ang mga paaralan ng learning recovery plan para masolusyunan ang ‘learning gaps’

PATULOY ang pag-aaral ng Department of Education (DepEd) sa learning gaps ng mga bata upang matulungan sila na mabilis matuto sa loob ng paaralan matapos ang dalawang taong pagkakaantala ng in-person learning.

Pinababalangkas ng DepEd ang bawat paaralan ng isang learning recovery plan upang makahabol ang lahat ng estudyante at mapabilis din ang kanilang pagkatuto.

“Definitely ang tinitingnan natin is when the students come in, you will need to assess ‘yung kanilang situation. What is that mean? Meron tayong mga series of tests, assessments na gagawin para makita natin kung nasaan ‘yung gap nila kasi it’s been two years. After that mag-i-employ tayo ng mga strategies ng bawat school kung papaano nila malo-lower ‘yung gap or to close that gap basically,” pahayag ni Atty. Michael Poa, tagapagsalita ng DepEd.

Isa sa mga nakikitang suliranin sa mga estudyante ay ang kanilang kakulangan sa literacy skills.

Nakikita naman ng DepEd ang pag reskill at pag-upskill sa mga guro upang matugunan ang learning gaps sa mga mag-aaral.

“We also need to reskill or upskill our teachers kasi it’s been two years and we need to assess rin kung ‘yung skills nila or ‘yung subjects na tinuturo nila ay ‘yung subject of expertise nila,” ayon kay Poa.

Itinuturing naman na isang malaking tagumpay ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte ang muling pagsisimula ng face-to-face classes sa bansa.

Pagbibigay diin ni Vice President Duterte na hindi na kaya na muling maantala pa ang pag-aaral ng mga kabataang Pilipino.

“There are no excuses. Hindi na po natin kaya na muling maantala pa ang pag-aaral ng mga kabataang Pilipino. Kailangan na po natin silang maibalik sa in-person learning dahil sa in-person learning makakakuha ng makahulugan, sapat, wasto, at dekalidad na edukasyon na kailangan nila para sa kalinangan ng kanilang pag-iisip at kakayanan bilang mga indibidwal na magiging katuwang ng pamahalaan sa pagtatag ng isang malakas na bansa,” pahayag ni VP Sara.

Follow SMNI News on Twitter


Comments

Popular posts from this blog

Virtual Pag-IBIG Mobile App, inilunsad para sa mas mahusay na serbisyo

Estados Unidos, inalala ang mga buhay na nasawi sa Sandy Hook School shooting pagkatapos ng 10 taon