Posts

Showing posts from October, 2022

Sen. Padilla nais paimbestigahan ang pagkabinbin ng pondo sa Aeta sa Gitnang Luzon

Image
NAIS imbestigahan ni Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla ang pagkabinbin ng kasunduan noong 2007 na nagtitiyak ng pondo para sa mga Aeta sa Clark Sub-Zone sa Gitnang Luzon. Ihinain ni Padilla ang Senate Resolution 149 na iimbestigahan ang Joint Management Agreement (JMA) ng Clark Development Corp. (CDC), National Commission on Indigenous Peoples at Tribong Ayta noong Disyembre 6, 2007. “Fourteen years since the signing of the JMA, the Tribong Ayta are yet to receive their full share of the 20% of the net income arising from rentals and use of the ancestral domain as reported by the Aytas of Sitio Haduan, Mabalacat, Pampanga, during an audience on 2 August 2022 with the Office of Senator Robinhood Padilla in Pasay City,” ani Padilla sa kanyang resolusyon. Inaatasan ng resolusyon ang Senate Committee on Cultural Communities and Muslim Affairs, na pinamumunuan ni Padilla, na gawin ang imbestigasyon. Dagdag niya, ito ang naging dahilan para magkaroon ng isa pang dayalogo sa mga Ayta...

DOH at DILG, pinulong ni PBBM para i-assess ang COVID-19 situation sa bansa

Image
NAKIPAGPULONG si Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. sa matataas na opisyal ng Department of Health (DOH) at ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa Palasyo ng Malakanyang. Batay sa post ng official Facebook page ng Office of the President, pinulong ni PBBM ang DOH at DILG upang i-assess ang COVID-19 situation sa bansa. May kaugnayan din ito sa rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force na gawing opsyonal ang pagsusuot ng face mask sa outdoors. Welcome naman sa presidente ang ulat ng Kagawaran ng Kalusugan na napanatili ang pagbaba ng mga kaso ng COVID-19. Ayon sa DOH, ang mababang low positivity rate na 12% ay dahil sa matagumpay na pinalakas na national vaccine rollout ng gobyerno. [embedded content] Follow SMNI NEWS in Twitter

Philippine Army, nakasamsam ng armas at pampasabog sa Sorsogon

Image
NADAGDAGAN na naman ang bilang ng mga narerekober na mga armas ng Spear Troopers at Philippine National Police (PNP) mula sa Communist Terrorist Group (CTG) matapos ang isinagawang operasyon sa Barangay Bulala, Magallanes, Sorsogon, alas-5 ng umaga kahapon lamang. Ayon kay Lt. Col. Nelson B. Mico, commanding officer ng 22nd Infantry Battalion (22IB), ilang mga residente ang nagpaabot ng sumbong sa kanilang tropa at mga pulis tungkol sa mga nakatagong armas sa isang koprahan. Agad na tinungo ng tropa ng 22IB at mga pulis ang nasabing lugar at doon tumambad sa kanila ang tatlong M16 rifle, isang KG9, tatlong anti-personnel mines, mga bala, at iba pang mga kagamitang pang-propaganda. Ayon sa mga nagsumbong, nabalitaan nila ang nangyaring pagbibigay ng impormasyon ng mga residente sa Barangay Calmayon sa Juban ng nakaraang mga araw, kaya nagkaroon din sila ng lakas ng loob upang ituro ang mga nakatagong armas ng CTG. Naniniwala si BGen. Aldwine Almase, commander ng 903rd Infantry Br...

DAR Sec. Estrella, reresolbahin ang kakulangan ng abogado ng ahensya

Image
RERESOLBAHIN ni Department of Agrarian Reform (DAR) Sec. Conrado Estrella III ang kakulangan ng abogado sa ahensya, ito ay upang mapabilis ang pagresolba ng mga kaso na may kinalaman sa agraryo. Ayon sa kalihim, hindi sapat ang kanilang abogado ngayon upang suriin ang mga nakabinbing kaso sa ilalim ng DAR Adjudication Board at Agrarian Law Implementation (ALI). Nasa higit 2,632 kaso pa ang kailangang resolbahin ng ahensya mula sa 640,807 caseloads simula pa noong 1988. Habang mula naman 1993 hanggang Hunyo 2022 nasa kabuuang 945,875 caseload ang nasa ilalim ng ALI, pero nasa 943,584 lang dito ang naresolba. Pagbibigay-diin ni Estrella, hamon sa kanilang ahensya ang pagkuha ng magagaling na abogado, kung kaya’t isa sa kanilang game plan ay paggawa ng scrap and build scheme. Kung saan ia-abolish ang mga bakanteng posisyon upang bumuo ng mga kinakailangang posisyon para makapag-alok ng mas malaking suweldo para sa mga abogado. Kumpyansa naman ang kalihim na maraming abogado ang ma...

VP Sara Duterte, pinasalamatan ang mga awtoridad sa pagkakadakip ng nagpapanggap na OVP employee

Image
PINASALAMATAN at pinuri ni Vice President Sara Duterte ang awtoridad dahil sa mabilis na pagkakadakip sa isang indibidwal na nagpapanggap na empleyado ng Office of the Vice President (OVP). Himas-rehas ang lalaking nagpanggap na isang empleyado ng OVP. Modus ng suspek ang panghihingi ng financial assistance na aniya ay ilalaan para sa mga proyekto ng Department of Social Welfare and Development  (DSWD) -Central Luzon. Dahil sa report na natanggap ng pulisya, agad namang naaresto ang suspek na kinilalang si Joel Caliz, 41 taong gulang at taga-Caloocan City. Nahaharap naman sa kasong usurpation of authority ang suspek. Ayon kay Vice Presidential spokesperson Atty. Reynold Munsayac, pinuri ni VP Duterte ang San Jose del Monte Police dahil sa mabilis na pagkakahuli sa suspek. “Vice President Sara Z. Duterte commends the San Jose del Monte Police for their swift action that led to the capture of an individual who falsely represented the OVP to illegally solicit money in San Jose...

3 heneral ng AFP, bumisita sa Philippine Navy

Image
NAG-courtesy call kay Philippine Navy Flag Officer-in-Command Vice Admiral Adeluis Bordado ang tatlong heneral ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Naval Station Jose Andrada sa lungsod ng Maynila. Kabilang dito sina AFP deputy chief of staff for personnel (J1) Major General Adriano Perez, Philippine Marine Corps Commandant Major General Charlton Sean Gaerlan at AFP Reserve Command Commander Brigadier General Vicente Ronatay. Binigyan ng mga tauhan ng Philippine Navy ng nararapat na arrival honors ang mga bumisitang opisyal ng militar. Iginawad ni Vice Admiral Bordado ang honorary flag rank Command-at-Sea Plaque kay Major General Perez bilang bahagi ng exit call at pagkilala sa ilang dekada na pagseserbisyo sa militar. Habang ang joint courtesy call nina Major General Gaerlan at Brigadier General Ronatay ay upang magbigay-galang kay Vice Admiral Bordado bago ang kanyang pagreretiro sa serbisyong militar. [embedded content] Follow SMNI NEWS in Twitter

COMELEC, humiling na hindi isuspinde ang SK at Brgy. Elections hanggang 2024

Image
MAINAM kung hindi masuspinde ang Sangguniang Kabataan at Barangay Elections hanggang 2024. Ito ang sinabi ni Commission on Elections (COMELEC) chairman George Garcia . Paliwanag ng COMELEC chairman, pinaghahandaan na ng komisyon ang 2025 local and national elections. Ani Garcia, kahit pa Mayo o Disyembre sa 2023 na isasagawa ang SK at Brgy. Elections ay okay pa rin sa kanila basta’t hindi aabutin ng 2024. Una nang nilinaw ni Garcia na hindi sila tutol na isuspinde ngayong Disyembre ang SK at Brgy. Elections lalong-lalo na kung ito naman ang napagkasunduan ng 19th Congress. [embedded content] Follow SMNI NEWS in Twitter

PBBM at kanyang asawa, pinarangalan sa isang ceremonial orchid naming sa Singapore

Image
PINARANGALAN si Pangulong Ferdinand Romualdez Marcos, Jr. at kanyang asawa na si First Lady Liza Araneta-Marcos sa Singapore sa pamamagitan ng isang ceremonial orchid naming. Isinagawa ang seremonya sa Singapore Botanic Garden, National Parks at ito ang kauna-unahang aktibidad sa pagbisita ni PBBM sa nasabing bansa. Ang pagpapangalan ng orchids sa mga pangulo ay kaugalian na sa Singapore bilang pagpupugay sa mga lider sa panahon ng kanilang state visits. Ang orchid na ipinangalan kay Pangulong Marcos ay tatawaging “Dendrobium Ferdinand Louise Marcos”. [embedded content] Follow SMNI NEWS in Twitter

Mosyon na i-subpoena si ES Vic Rodriguez, inaprubahan ng Senate Blue Ribbon Committee

Image
INAPRUBAHAN ng Senate Blue Ribbon Committee ang mosyon na ipa-subpoena si Executive Secretary Vic Rodriguez kaugnay ng imbestigasyon sa sugar importation issue. Sa isinagawang botohan, 11 miyembro ng komite ang bumoto pabor sa subpoena, 3 ang bumotong hindi pabor at 3 ang nag-abstain. Dahil dito, pinahaharap ng Senado si Rodriguez sa pagdinig sa Huwebes, alas-9 ng umaga sa bisa ng isang subpoena. Ngayong umaga, pansamantalang sinuspinde ng komite ang pagdinig para bigyan-daan ang isang executive session matapos ang mosyon ni Senador Risa Hontiveros na padalhan ng subpoena ang executive secretary dahil sa hindi nito pagdalo sa pagdinig alinsunod sa utos ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. [embedded content] Follow SMNI NEWS in Twitter

Aksiyon sa pagpabor ni Sen. Loren Legarda, ipinauubaya sa pamunuan ng AFP

Image
IPINAUUBAYA na lamang sa kamay ng mga nakatataas na ahensiya ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang karampatang aksiyon para kay Senator Loren Legarda . Kasunod ito sa lantarang pagsuporta ni Sen. Legarda sa makakaliwang grupo na CPP-NPA-NDF bagamat binawi na nito ang nauna niyang pahayag. Sa panayam kay Major Francisco Garello, tagapagsalita ng 4th ID ng Philippine Army at bilang isang sundalo, iginagalang naman nito ang unang pahayag ng senadora bagamat taliwas ito sa kanilang mandato sa militar. Aniya, hindi madali ang laban ng pamahalaan kontra sa mga terorista at marami na ang nagbuwis ng buhay mula sa tropa ng gobyerno laban sa mga terorista kung kayat kaaway ang turing sa kanila at hindi kakampi. Kaugnay dito, nilinaw ng militar na tanging ang pamunuan lamang ng AFP ang may kapangyarihan kung ano ang maaaring gawin sa naging pahayag ng senadora. [embedded content] Follow SMNI NEWS in Twitter

Pamilya ng umano’y drug mule na si Mary Jane Veloso, umaasa na matutulungan ni PBBM

Image
PATULOY na umaasa ang pamilya ni Mary Jane Veloso lalong-lalo na ang ama nito na makakalaya ang kanyang anak. Sa isang sulat ay hiniling ng mga magulang nito na kausapin ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. si Indonesian President Joko Widodo na bigyan ng pardon si Veloso. Sinabi naman ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles na aalamin niya pa kung naiparating ba ni PBBM ang isyu sa naging closed-door meeting nito sa pagitan ni Widodo. Si Mary Jane Veloso ay inaresto at pinatungan ng parusang kamatayan noong 2010 matapos umanong nagpuslit ng heroin sa Indonesia. [embedded content] Follow SMNI NEWS in Twitter

Kakulangan sa suplay ng sardinas, itinanggi ng BFAR

Image
ITINANGGI ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang napabalitang kakulangan sa suplay ng tamban o sardinas sa wet market. Ayon kay BFAR spokesman Nasario Briguera, ang kawalan ng isda sa ilang pamilihan ay pansamantala lamang dulot ng epekto ng bagyong Henry. Ang tamban ay hindi kasali sa price monitoring ng Department of Agriculture (DA) . Ani Briguera ang nasabing kawalan ng sardinas ay gawa-gawa ng isang grupo para payagan ang commercial fishing sa municipal waters. Kaugnay nito, papayagan lang ang mga commercial fishing na mangisda sa municipal waters kung may ordinansa mula sa LGUs. [embedded content] Follow SMNI NEWS in Twitter

Philippine Coast Guard at US Coast Guard, nagsagawa ng search and rescue exercise sa bahagi ng WPS

Image
SA ikatlong pagkakataon, matagumpay na nagsagawa ng search and rescue exercise ngayong taon ang Philippine Coast Guard (PCG) at US Coast Guard sa bahagi ng West Philippine Sea (WPS). Lulan ng BRP Gabriela Silang, at MRRV BRP Melchora Aquino 9702, nagtungo ang team ng PCG sa karagatang sakop ng Zambales na bahagi ng Exclusive Economic Zone ng bansa. Dito isinagawa ang Search and Rescue Exercise 2022 kasama ang US Coast Guard. Pero dahil sa sama ng panahon, limitado lamang ang kanilang naging aktibidad. Sa kabila nito, ipinamalas pa rin ng dalawang bansa ang kani-kanilang abilidad sa mabilis na pagtugon sa mga sakuna, kalamidad at kriminalidad na maaaring mangyari sa karagatan. Isa na rito ang anti-piracy drill na pinangunahan ng PCG Maritime Security Law Enforcement Unit na bahagi ng kanilang tactical demonstration. Kung saan nagsilbing victim ship ang MRRV Melchora Aquino 9702 mula sa isang distress call at humihingi ng tulong mula sa pagsalakay ng mga pirata. Ayon sa PCG, isa...

Mga residente ng Cotabato masayang nakasama si VP Sara sa huling araw ng kanilang Kalivungan Festival

Image
MASAYANG nakasama ng mga residente ng Cotabato si Vice President Sara Duterte sa huling araw ng kanilang Kalivungan Festival. Sa pagsisimula ng ber months masayang sinaksihan ng libu-libong mamamayan ang makulay at makinang na pagdirawang ng Araw ng Cotabato. Isinagawa ang costume parade competition sa grandstand ng kapitolyo bilang highlights ng Kalivungan Festival 2022 na may temang “Matatag na Cotabato Susulong sa Anumang Hamon sa Buhay.” Lumahok sa costume parade ang mga kawani ng provincial government na sumali rin sa paligsahan ng pagsayaw suot ang kanilang makulay na Mardi Gras costume. Masayang nakasama ng mga residente sa pagtatapos ng kanilang face to face na Kalivungan Festival si VP Duterte bilang panauhing pandangal na personal na ipinakilala ni Gov. Emmylou Taliño-Mendoza. [embedded content] Follow SMNI NEWS in Twitter

Kapakanan at karapatan ng lahat ng OFWs, pangakong tutuparin – PBBM

Image
NAKIPAG-meeting si Pangulong  Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr . sa Filipino community sa Jakarta, Indonesia nitong araw ng Linggo. Bitbit ni PBBM ang mahahalagang mensahe na nagbibigay pag-asa sa mga kababayang overseas Filipino workers (OFWs) sa naturang bansa. Sinabi ni Pangulong Marcos na itataguyod ng Department of Migrant Workers (DMW) katuwang ng Department of Foreign Affairs (DFA) maging ng mga embahada at kunsulado ang kapakanan at karapatan ng lahat ng OFWs sa buong mundo. “Ito ang aking pangako na tutuparin ko bilang bago ninyong Pangulo. We, Filipinos, we share with the Indonesians a common cultural heritage,” pahayag ni Pangulong Marcos. Ipinagmalaki naman ng Punong Ehekutibo na talagang napakalaki ng respeto ng mga Indonesian sa mga Pilipino dahil sa mga magigiting na OFWs. Naging valued members ng local society ang OFWs bilang investors, company directors, business consultants, lawyers, accountants, engineers, teachers at technical staff. Taos-puso namang...

Pagpapaunlad sa buhay ng mga magsasaka, prayoridad ni PBBM – DAR Sec. Estrella III

Image
PRAYORIDAD ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. ang pagpapaunlad sa buhay ng mga magsasaka. Ito ang inihayag ni Department of Agrarian Reform (DAR) Secretary Conrado Estrella III. Aniya, lalagdaan ni Pangulong Marcos ang executive order  na magpatutupad ng moratorium sa pagbabayad ng amortizations fees at interest loans ng agrarian reform beneficiaries (ARBs) para masuportahan ang pagbibigay ng support services at mapabilis ang distribusyon ng mga lupa ng gobyerno na walang gumagamit. Dagdag pa ni Estrella, lalagdaan ito ni Pangulong Marcos sa ika-65 kaarawan nito sa Setyembre 13 bilang bahagi ng kanyang commitment sa kasagsagan ng kanyang kauna-unahang State of the Nation Address (SONA). Saad pa nito, ang pera mula sa ARBs na ginagamit na pambayad sa utang at ibang obligasyon ay gagamitin sa agricultural ventures at magagamit bilang karagdagang kapital para sa mas maraming agricultural production. [embedded content] Follow SMNI NEWS in Twitter

Katapatan ni Sen. Legarda sa bayan, kinuwestyon ni Chief Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile

Image
NAGSALITA laban kay Senator Loren Legarda ang Chief Presidential Legal Counsel ni President  Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. dahil sa pagsuporta nito sa mga kalaban ng pamahalaan. “You better define your position whether you support the Constitution under which you took your oath as a senator, as congresswoman as a governor as what that. Or to topple the very government that propelled you to prominence,” pahayag ni Enrile. Diin ni Enrile, wala sa hulog ang pahayag ni Legarda sa isang halal na senador gaya niya. “Yung united front, NDF dito sa ating bansa ay parang tali sa leeg ng mga taumbayan yan. At ‘yun ang pambibitay sa buong bansa sapagkat kung ipakita nila na sila’y komunista walang sasama sa kanila. Pero pag pinakita nila na NDF sila kagaya noong sinabi mo left of center. Ano yung left of center? Saan ba’ng center? Ay ‘yun naman kung left of center ka, eh you’re crossing the line. Either you support liberal democracy or you want na talian ang leeg ng mga Pilipino. W...

Maritime Exercise ng PCG at US Coast Guard, matagumpay

Image
MATAGUMPAY at ligtas ang isinagawang Maritime Exercise ng Philippine Coast Guard (PCG) at United States Coast Guard (USCG) sa katubigan ng Mariveles, Bataan. Ito ay sa kabila ng malakas na hangin at malaking alon nitong Setyembre 2-3, 2022. Sa naturang pagsasanay, nasubok ang tibay at tatag ng mga kawani ng PCG. Maliban sa joint search and rescue (SAR) exercise, naglunsad din ng anti-piracy exercise ang Law Enforcement Afloat Detachment (LEAD) team ng PCG. Ang mga miyembro ng Coast Guard LEAD team ay sumailalim sa pagsasanay ng USCG, Bureau of International Narcotics and Law Enforcement Affairs (INL), at Japan Coast Guard (JCG) patungkol sa tama at epektibong pagsasagawa ng visit, board, search, and seizure (VBSS) na bahagi ng kanilang counter-piracy operations. [embedded content] Follow SMNI NEWS in Twitter

Pakikilahok ng mga magulang sa edukasyon, dapat paigtingin – Gatchalian

Image
DAPAT pag-ibayuhin ng mga magulang ang pakikilahok sa edukasyon at growth and development ng kanilang mga anak. Ito ay inihayag ni Senador Win Gatchalian ang chairman ng Senate Committee on Basic Education . Sa ilalim ng bagong batas na Republic Act No. 11908 o Parent Effectiveness Service (PES) Program Act, itatatag ang naturang PES Program upang tulungan ang mga magulang at parent-substitutes na paigtingin ang kanilang kaalaman at kakayahan upang mas magampanan nila ang kanilang mga tungkulin pagdating sa edukasyon ng mga bata lalo na sa gitna ng mga hamong dulot ng inobasyon, social media, at pagbabago sa mga values. Si Gatchalian ang pangunahing may akda ng nasabing batas. Hinihikayat ng batas ang mga magulang at mga parent-substitutes na suportahan ang cognitive development ng kanilang mga anak, kabilang ang pagpapaigting sa kanilang kaalaman sa pagbasa, mathematics, at science. Layunin din ng batas ang pagsugpo sa child abuse, bagay na magagawa sa pamamagitan ng mas pinaig...

Thailand, hinigpitan ang mga panuntunan ukol sa crypto advertisements

Image
HINIGPITAN na ng Securities and Exchange Commission (SEC) ang mga panuntunan sa pag-advertise ng crypto companies sa bansa. Ang advertisement ng virtual tokens ay kinakailangang mayroong malinaw na babala ukol sa pag-invest sa cryptocurrencies. Naglabas na rin ng babala ang mga awtoridad para sa maliliit na investors. Ang bagong advertising rules na ito ay inilabas isang buwan matapos itigil ng Zipmex Thailand , isang local cryptocurrency exchange ang withdrawals mula rito. Hinigpitan ng SEC ang mga patakaran matapos makita na ang ilang crypto advertisements ay walang babala sa mga papasok sa ganitong negosyo. [embedded content] Follow SMNI NEWS in Twitter

TV host Vhong Navarro sinampahan ng kasong rape sa Taguig City

Image
SINAMPAHAN ng kaso ng Taguig City Persecutor’s Office ang TV host na si Ferdinand ”Vhong” Navarro sa umano’y panggagahasa kay Deniece Cornejo. Matatandaan na unang inakusahan ang aktor sa panggagahasa kay Cornejo noong January 17, 2014. Inutusan ng Court of Appeals ang Taguig City Persecutors Office na maghain ng information laban kay Navarro para sa kasong rape sa ilalim ng Article 266 – A (1) at Acts of Lasciviousness Under Article 336. Ayon sa Korte Suprema ang Trial Court, ang magdedesisyon kung sino sa pagitan ni Navarro at Cornejo ang nagsasabi ng katotohanan kung saan sinabi ng modelo siya ay ginahasa habang mariin namang itinanggi ni Navarro. [embedded content] Follow SMNI NEWS in Twitter

Halos P1.5-M na droga, nasamsam sa buy-bust sa Bohol

Image
ARESTADO ang dalawang high-value individuals matapos ang operasyon ng pulisya sa Barangay San Isidro, Tagbilaran City, Bohol. Kinilala ni PNP chief Police General Rodolfo Azurin Jr. ang mga suspek na sina Irwin Saco Ang, alyas Tabs at Zacarias Makalinao Gondong, alyas Pasmo na nabilhan umano ng iligal na droga ng pulis na nagpanggap na poseur buyer. Nakumpiska sa kanila ang nasa 220 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price na halos 1.5 milyong piso at isang sasakyan. Dinala na sa Tagbilaran City Police Station ang mga suspek na sasampahan ng paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Iginiit ni General Azurin na naging matagumpay ang isinagawang operasyon sa tulong na rin ng komunidad gayundin ng iba pang sektor at ahensya ng gobyerno. [embedded content] Follow SMNI NEWS in Twitter

NTC, pinag-iingat ang publiko sa naglipanang text scam

Image
PINAG-iingat ng National Telecommunications Commission (NTC) , ang publiko sa naglipanang text scam. Sa Laging Handa public briefing, may abiso sa publiko si Engineer Edgardo Cabarios, consultant ng NTC, patungkol sa talamak na text scams. Paalala ni Cabarios, basta’t hindi sigurado na kaibigan o kakilala, ay huwag na huwag sumunod sa gustong ipagawa ng naturang nagpadala ng mensahe. Lalo na, kapag nanghihingi na ito ng personal na impormasyon o datos o maski ano, dahil ito ay masasabing scam.  “Kapag iyong message na na-receive po natin ay galing sa phone number na wala naman sa ating directory, chances are scam po iyan. At kung hindi galing sa ating mga kakilala, sa kaibigan, etc, again chances are scam ho iyan,” pahayag ni Cabarios. Kaugnay nito, nagpahayag ang NTC consultant ng pagkabahala lalo’t ang personal number, ay identified sa isang indibidwal. Kaya naman, iginiit ni Cabarios na dapat may maparusahan sa kumakalat ngayon na text scams. “Dapat po kasi ay may ma...

Japan, pagmumultahin ang mga ospital na hindi tatanggap ng infectious disease patients

Image
MAGKAKAROON ng mabigat na multa ang malalaking ospital sa Japan na hindi tatanggap ng mga pasyente ng COVID-19 at iba pang infectious disease. Magtatalaga rin ng multa ang gobyerno ng Japan sa mga indibidwal na papasok ng Japan na mayroong suspected na impeksyon na nabigong iulat ang kanilang kondisyon sa kalusugan. Ayon kay Prime Minister Fumio Kishida, magkakaroon sila ng framework kung saan mayroon agad na maibibigay na medical service sa isang event na mayroong emergency. Inutusan naman ng punong ministro na magkroon agad ng batas ukol dito. Ito ay isang panukala na gagawa ng ahensya para sa Infectious Disease Crisis Management na isusumite sa parliamento sa regular session nito sa susunod na taon. [embedded content] Follow SMNI NEWS in Twitter

4 drug personalities, tiklo sa buy-bust sa Calamba City

Image
NAARESTO ang apat na drug personalities sa isinagawang buy-bust operation sa Calamba City, Laguna . Sa ulat kay Police Colonel Randy Glenn Silvio, OIC ng Laguna Police, nahuli sa Purok 5 ng Barangay 2 sina Jay-E Cerera Mulinyawe at Dennis Aguilar matapos mabilhan ng iligal na droga ng pulis na nagpanggap na poseur buyer. Nakuha sa kanila ang 1.3 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng 8,840 piso. Natiklo naman sa Purok 3 ng Barangay Real sina Michael Solomon Saclute at Alvin de Borja Perez, kung saan nakumpiska sa kanila ang 1.5 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng 10,200 piso. Nasa kustodiya na ng Calamba City Police Station ang mga suspek na sasampahan ng paglabag sa RA 9165 o C omprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. [embedded content] Follow SMNI NEWS in Twitter

“Ukay-ukay” at illegal drug shipment nadiskubre ng BOC; Mga illegal na produkto kumpiskado

Image
PATULOY ang ginagawang mahigpit na pagbabantay ng Bureau of Customs (BOC) sa mga border control para mapigilan ang illegal shipment ng mga produkto sa bansa. Tinatayang P2.67M na halaga ng illegal drug shipment mula sa Netherlands ang naharang ng mga awtoridad sa Clark Pampanga kamakailan. Sa pamamagitan ng x-ray scanning ay nadiskubre ang 535.6 grams ng Ketamine na itinago sa polycarbonate sheets. Ang Ketamine ay ikinukonsiderang illegal substance sa ilalim ng R.A. No. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Matatandaan na noong nakaraang Hunyo, nadiskubre din sa Clark ang P2.5M halaga ng Ketamine na itinago sa picture frame. Samanta, sa Port of Cebu ay naharang naman ng mga awtoridad ang mga second hand na damit o ukay-ukay na idadala sana sa probinsiya ng Masbate. Nasa 60 bales na mga second na damit ang kumpiskado pagkatapos ng ginawang inspeksyon ng mga awtoridad. Batay sa report, isinakay ang ukay-ukay sa likod ng container van at ang inilagay sa harap ay an...

Australian millionaire, kabilang sa nasawi sa plane crash sa Queensland

Image
ISANG Australian millionaire at kanyang anak ang kabilang sa tatlong kataong nasawi sa isang plane crash sa Bushland sa Western Brisbane. Kabilang sa biktima ang 49 taong gulang bilyonaryong si Tom Strachan at ang kanyang 20 taong gulang na anak na si Noah at ang pilotong si Gary Liehm. Ayon sa mga awtoridad, naka-encounter ang Cessna Aircraft ng masamang panahon at bumagsak 2,000 feet mula sa ere bago tuluyang lumagpak sa Western Brisbane. Ang eroplano ay nakatakdang umalis sa Dalby 10:00 am at nakatakdang mag landing sa Archerfield Airport ng 2:00 pm. Nagsimula naman ng aerial search ang mga awtoridad matapos mabigong dumating sa nakatakdang oras ng pagdating ang eroplano. Si Strachan ay isang Australian millionaire na nagtayo at nagbenta ng labor firm na AWX at ngayon ay direktor na ng investment company na Packhorse. Samantala, ang 20 taong gulang na anak nitong si Noah ay isa namang analyst sa isang real estate at investment company sa Brisbane bago nasawi. [embedded cont...

Anti-communist groups, nadismaya kay Sen. Loren Legarda

Image
DISMAYADO ang ilang anti-communist groups sa bansa sa tinuran ni Senador Loren Legarda kaugnay sa pagbaling nito ng suporta sa makakaliwang grupo na CPP-NPA-NDF. Sa kanyang ipinadalang video message sa SMNI, nanggagalaiting sinagot ng grupong Yakap ng Magulang si Sen. Loren Legarda kasunod ng kanyang mungkahing irebyu ang Anti-Terror Law laban sa CPP-NPA-NDF. Maalalang sa kanyang talumpati, tahasang dinepensahan nito ang makakaliwang kilusan at sinabing hindi ito dapat ituring na kalaban ng estado. “I do not recall what law or what pronouncement of government has declared the Communist Party of the Philippines or similar organizations, movements, beliefs, or associations could be declared as enemies of the state. It’s so difficult to identify that,” pahayag ni Legarda. Ayon kay Relissa Lucena, presidente ng Yakap ng Magulang, at kilalang biktima ng iligal na recruitment ng grupong Akbayan na front organization ng CPP-NPA-NDF sa bansa, nanghihinayang siya at ng kanyang mga kasa...

Pastor Apollo C. Quiboloy, suportado ang panawagan ni Sen. Tolentino vs teroristang grupo

Image
SUPORTADO ni Pastor Apollo C Quiboloy , ang honorary chairman ng SMNI ang panawagan ni Senador Francis Tolentino laban sa teroristang grupo ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF). Sa eksklusibong panayam ng SMNI NEWS, sinabi ng butihing Pastor na natutuwa siya na mayroon pang tumatayo na senador na walang takot na lumalaban sa teroristang grupo. Matatandaang sa isang privilege speech, sinabi ni Sen. Tolentino na nais nitong i-require ang lahat ng mga government worker na i-disclose kung meron silang kamag-anak o miyembro sa kanilang pamilya na konektado o naging kasapi ng mga teroristang grupo tulad na lamang ng CPP-NPA-NDF na layuning pabagsakin ang pamahalaan. Ang panawagan ng senador ay kasunod ng pagkakaaresto sa kapatid na babae ni Commission on Higher Education (CHED) Chairperson Prospero de Vera na pinaniniwalaang isang high-ranking officer ng Communist Party of the Philippines. Punto pa ni Tolentino, maaaring may mga...

ES Rodriguez, malabong makadalo sa mga susunod na pagdinig ng Senate Blue Ribbon; Partial conclusion ilalabas ng Senado

Image
INILAHAD ni Senate Blue Ribbon Chairman Francis Tolentino na malabo nang makadadalo sa mga susunod na imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee si Executive Secretary Vic Rodriguez. Kinumpirma ni Senador Tolentino na pagkatapos ng ikatlong pagdinig ng kontrobersyal na Sugar Order No 4 ay kanila nang ilalabas ang partial conclusion sa naturang imbestigasyon. Partial conclusion ang gagawin dahil sa hindi pa rin sumisipot sa pagdinig si ES Rodriguez kahit ipinatawag na ito ng Senate panel. “May mga partial recommendations that can be released even while waiting  for the testimony of another person, that would be probably tied up to the rest… so parang may nauna ka nang release ng conclusions,” pahayag ni Tolentino. Sa panayam kay Tolentino, nais na niyang tapusin ang imbestigasyon ngunit hindi pa ito mangyayari dahil sa naging pahayag ni Senador Aquilino Koko Pimentel III na hindi maaring tapusin ang hearing kung hindi muling haharap sa pagdinig si Rodriguez. Ayon kay To...

Daang-daang trabaho sa tourism sector, mabubuksan sa paglulunsad ng “Trabaho, Turismo, Asenso” Job Fair

Image
MAGBUBUKAS ng daan-daang trabaho sa tourism sector ang isasagawang “Trabaho, Turismo, Asenso! National Tourism Jobs Fair” ng Department of Tourism (DOT) at Department of Labor Employment (DOLE) . Ito ay upang masuportahan ang pagbangon ng ekonomiya ng bansa at mailapit pa lalo sa mga job seekers ang mga oportunidad upang makapagtrabaho. Layon nitong  palakasin ang employment ng tourism industry sa Pilipinas Ngayong araw, pormal na nilagdaan ng dalawang ahensya ang isang memorandum of understanding para gawing pormal ang pagtutulungan. Idaraos ang nasabing job fair mula Setyembre 22-24 sa ilang bahagi ng bansa tulad ng Metro Manila, Cebu, Davao at iba pa. Napag-alaman ng DOT na maraming hotel establishments at restaurants sa bansa ang nangangailangan ng karagdagang manpower. Batay sa survey ng DOT, nasa 1,186 ang regular vacancies sa 279 establisimyento sa buong bansa. Nasa 250 naman ang kabuuang bilang ng part time vacancies. Pero sa datos ng DOLE, higit 12,000 ang nawala...

Mga nasawi mula sa sakit na dengue, umakyat na sa 400 – DOH

Image
UMABOT na sa 400 ang nasawi sa bansa dahil sa sakit na dengue batay sa datos na inilabas ng Department of Health (DOH). Ang naturang bilang ay naitala mula Enero 1 – Agosto 13 ng kasalukuyang taon. Buwan ng Hulyo nang maitala ang pinakamataas na bilang ng nasawi na nasa 100 sumunod ay noong buwan ng Hunyo. Sa kabuuan umabot na sa 118, 785 ang kaso ng dengue sa bansa na ayon sa DOH ay 143% na mas mataas kung ikukumpara noong nakaraang taon. Karamihan sa mga dengue cases ay nanggaling sa Region III, Region IV at NCR. Anim naman sa 17 rehiyon ay lumagpas na sa epidemic threshold sa nakalipas na apat na linggo. Ito ay ang Regions II, III, CALABARZON, MIMAROPA, CAR, at ang National Capital Region. Follow SMNI News on Twitter

DFA kinikilala ang pagkokonsidera ng dating Chinese ambassador to the Ph. hinggil sa usaping joint oil and gas exploration ng China sa WPS

Image
INANUNSYO ng Department of Foreign Affairs (DFA) na kinikilala ng Pilipinas ang pahayag ni dating Chinese ambassador to the Philippines Liu Jianchao kaugnay sa joint oil and gas exploration. Umaasa si Jianchao na isasaalang-alang ng gobyerno ng Pilipinas ang joint oil and gas exploration kasama ang China sa West Philippines Sea (WPS) sa ilalim ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. Ayon ito sa inalabas na pahayag ni DFA spokesperson Ma. Teresita Daza. Gaya ng dati, ayon sa DFA ay ginagabayan ng Konstitusyon ang paggalugad, pagpapaunlad at paggamit ng mga likas na yaman na matatagpuan sa loob ng exclusive economic zone, continental shelf hurisdiksyon ng Pilipinas. Matatandaan una nang naglabas ng pahayag si Liu na umaasa ito na ang mga talakayan ay magpapatuloy. Inamin ni Liu na may mga legal na hadlang sa talakayan ngunit umaasa na ang parehong pamahalaan ay magiging “flexible” habang itinutuloy ang pag-uusap. Ang dating Chinese ambassador ay kasalukuyan na ring Minister...

Pambansang wika at kasaysayan, susi sa pambansang pagkakaisa – Sen. Padilla

Image
SUSI para sa pambansang pagkakaisa ang pagkakaroon ng isang pambansang wika at kasaysayan. Ayon kay Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla , hindi dapat maging tampok lamang ang usapin ng pambansang wika tuwing buwan ng Agosto. Ipinunto ng mambabatas na higit 8 dekada na ang nakakaraan noong naging sentro ng diskurso ang pambansang wika. Sa kasalukuyang Saligang Batas, marapat na puspusan ang paggamit ng Filipino bilang midyum ng opisyal na komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pang-edukasyon. Dahil dito, isinulong muli ni Padilla ang Senate Bill 451 na naglalayong maipabilang ang kasaysayan ng Pilipinas bilang hiwalay na subject sa kurikulum ng hayskul para buhayin ang dugong makabayan at nasyonalismo sa mga kabataan. Isinulong din niya ang Senate Bill 228 o ang, ‘pantay na paggamit ng opisyal na wika’ para sa paglimbag at paglathala sa parehong wikang Ingles at Filipino ng mga dokumento ng gobyerno upang bigyan ng oportunidad ang bawat Pilipino na mas maunawaan ang m...

Pagpapatupad ng ‘no contact apprehension policy’, unconstitutional ayon sa isang abogado

Image
NANINDIGAN ang iba’t ibang transport groups sa kanilang mga nakikitang dahilan kung bakit kinakailangan ibasura na ang pagpapatupad ng ‘no contact apprehension policy’ (NCAP). Anila, bagama’t maganda ang layunin nito na makapagdisiplina ng mga motorista ay hindi naman makatao ang ipinapataw na multa. Sa katunayan, iginiit naman ni Attorney Mark Tolentino, legal consultant ng mga transport group na unconstitutional ang pagpapatupad ng NCAP ng mga lokal na pamahalaan. Paliwanag pa ni Tolentino, isa sa mga violation na nailabag ng mga LGU ay ang walang maayos na konsultasyon sa mga transport sector. Ayon naman kay ni Atty. Ariel Inton, Lawyers for Commuters Safety and Protection, wala namang masama kung nais disiplinahin ang mga tsuper sa batas-trapiko. Pagbibigay-diin ni Atty. Inton, ibang usapin na kapag ang mga inosente ay namumultahan dahil sa kontrobersyal na polisiya ng NCAP. Kaya naman, ngayong Lunes nagsagawa ng protesta ang mga transport group sa harap ng Quezon City Memo...

COVID-19 vaccination, hindi na requirement sa colleges at universities

Image
HINDI na kinokonsiderang requirement ang COVID-19 vaccination sa mga mag-aaral at personnel na sasali sa in person classes sa mga kolehiyo at unibersidad. Ito ang inanunsyo ni Commission on Higher Education (CHED) Chairman Prospero de Vera. Kung matatandaan, isa ito sa requirement upang mapigilan ang posibleng hawaan ng COVID-19 sa paaralan. 2021 nang bumalik sa in person classes ang mga kolehiyo at unibersidad. [embedded content] Follow SMNI NEWS in Twitter

Mga miyembro ng CPP-NPA sa Cagayan Province, binigyan ng isang linggong ultimatum ng Philippine Army

Image
LIMITADO na lang ang araw ng mga miyembro ng CPP-NPA-NDF sa bansa partikular na sa mga probinsiya ng Cagayan at Isabela. “May pitong araw pa na natitira ang mga miyembro ng CPP-NPA-NDF sa probinsiya ng Cagayan.” Ito ang matapang na pahayag ng papaalis na commanding general ng 5th Infantry Division ng Philippine Army sa mga kasapi ng teroristang komunistang kilusan na CPP-NPA-NDF sa malaking bahagi ng Hilagang Luzon. Bagama’t batid ng militar na kakaunti na lamang ang bilang ng mga armadong kalaban ng gobyerno, pero may panahon pa aniya ang mga ito na magbalik-loob sa gobyerno. Sa kabilang banda, sa pagdiriwang ng National Heroes Day sa bansa ngayong araw, naniniwala ang Philippine Army na panahon na para kilalanin ng mamamayan ang magagandang ginagawa ng Armed Forces of the Philippines. Sa katunayan ani MGen. Mina, sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon, inatasan sila na maging matapang sa pagsugpo sa problema ng insurhensiya sa bansa sa pamamagitan ng Executive Order 70, an...

Pastor Apollo, kinilala sa 6th Outstanding Men & Women of the Philippines 2022

Image
MULING kinilala ang honorary chairman ng Sonshine Media Network International (SMNI) na si Pastor Apollo C Quiboloy sa ginanap na 6th Outstanding Men and Women of the Philippines 2022 na ginanap sa Promenade Hotel, Greenhills Sa San Juan City noong Sabado. Pinarangalan ang butihing Pastor bilang Outstanding Man of the Philippines 2022 dahil sa humanitarian at environmental preservation program nito, gayundin ang kontribusyon ni Pastor Apollo para sa nation-building. Si Pastor Apollo ay kilalang philanthropist sa bansa dahil na rin sa malaki ang puso nito sa pagtulong sa mga nangagailangan. Isa din sa tinututukan ni Pastor Apollo ay ang pagtulong sa mga kabataan. Kaya naman itinatag nito ang Children’s Joy Foundation na naniniwalang dapat isulong ang karapatan ng mga kabataan na makapag-aral, makakain nang tama, madamitan, mabigyan ng tahanan, mamuhay ng masaya, at may dignidad. Sa katunayan, inihandog ng butihing Pastor ang kanyang kada taon bilang kaarawan ng lahat ng bata hind...

DPWH, muling magsasagawa ng road reblocking ngayong weekend

Image
MULING magsasagawa ng road reblocking at repair ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa ilang kalsada sa Metro Manila ngayong weekend. Sa abiso ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), magsisimula ang pagkukumpuni mamayang alas-11 ng gabi, Agosto 26, 2022. Kabilang sa mga apektadong kalsada ay ang mga sumusunod: EDSA NB, Quezon City along Santolan MRT Station (EDSA Carousel Bus Lane), after P. Tuazon Flyover hanggang Aurora Tunnel (3rd lane mula center island, fast lane), after Aurora Blvd. hanggang New York (3rd lane mula island, intermittent section), after Kamuning/Kamias Road hanggang JAC Liner Bus Station (tabi ng center island) C-5 Road Southbound (2nd lane) Makati City Fairview Avenue SB malapit sa Fleur de lis hanggang Labayane (1st lane mula center island) Katipunan Avenue C-5 SB corner C.P. Garcia Avenue after intersection (2nd block mula center island) Cloverleaf EDSA NB hanggang segment ng NLEX NB (outer lane) Roosevelt Avenue near corne...

National Parks Development Committee ng DOT, magsasagawa ng concert ngayong ASEAN Month

Image
MAGSASAGAWA ng Open Field Musical Concert bukas, August 27 ang National Parks Development Committee (NPDC) bilang parte ng selebrasyon ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Month. Ang NPDC ay isang attached agency ng Department of Tourism (DOT) . Gaganapin ang concert sa Rizal Park Open Air Auditorium sa Ermita, Manila. Layunin ng aktibidad ang pagpapakita ng pagkakaisa ng mga bansang kasapi sa ASEAN. Alinsunod na rin ito sa Presidential Proclamation No. 282 na pinirmahan noong 2017 kung saan isinusulong nito ang pagpapahalaga ng friendship, peace at sustainable development sa kapwa ASEAN countries. Tampok sa concert ang local talents gaya ng G22, Junior New System, Monzter Jam Duo, Kare Adea, Centro Escolar University Folk Dance Troupe, UP Manila Choral, Trixie Esteban, Shania Cuerpo, at Anika Zabala. [embedded content] Follow SMNI NEWS in Twitter

AFP, tinanggap ang bagong SMNI PAARU Reservists

Image
TINANGGAP ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang mga bagong reservists sa ilalim ng 2nd Metro Davao Signal Battalion-SMNI PAARU sa isang seremonya na dinaluhan ng army officials at ni Pastor Apollo C. Quiboloy , ng The Kingdom of Jesus Christ at ang Honorary Chairman ng Sonshine Media Network International, World Missionary Chaplain at World Ambassador for Peace. Simula Pebrero 25 taong 2015, ang SMNI ay may ugnayan na sa Philippine Army Affiliated Reservist Unit (PAARU) kung saan may unit designation ito na 2nd Metro Davao Signal Battalion. Bilang 2nd Signal Battalion PAARU, ang pangunahing misyon ng SMNI ay tumulong at pangunahan ang mga programa ng national government at AFP sa pamamagitan ng pag-bobroadcast sa radyo at telebisyon gamit ang mga pasilidad at kapabilidad ng SMNI at tumulong o magsagawa rin ng mga humanitarian activity tuwing may mga kalamidad at ipakita ang mga programa at misyon ng 11th RCDG sa pamamagitan ng broadcast media. Dahil sa pagiging makabayan ni...

Mga employer na hindi nagbabayad ng contribution, muling kinalampag ng SSS

Image
NAG-ikot sa siyudad ng Makati at Manila ang ilang opisyal ng SSS upang paalalahanan ang mga mga employer sa kanilang obligasyon na bayaran ang kontribusyon ng kanilang mga empleyado. Ito’y sa ilalim pa rin ng patuloy na isinasagawang ‘Run After Contribution Evaders’ (RACE) activities. Sa isang pulong balitaan sinabi ni Jesusa Casimiro ang branch head III ng Makati Gil Puyat ng SSS, tinatayang nasa mahigit P5-M halaga ang inaasahang contribution na dapat bayaran ng anim na employers na binisita nito sa lungsod ng Makati. Sa ngayon ang lungsod ng Makati ay mayroong naitalang halos 8,000 libo ang active employers habang higit 600 employers ang may kakulangan pa sa kanilang pagbabayad ng kontribusyon. Nilinaw naman ng mga opisyal na ginagawa nila ang RACE operation sa pamamagitan ng pagbisita sa mga kompanya para muling paalalahanan ang mga employers ng pagbabayad ng kanilang SSS contribution. Pero may mga programa naman ang naturang ahensiya sa mga employer na nahihirapan magbayad ...

Pagpatutupad ng mandatory ROTC, nakadepende sa education agencies

Image
SINAGOT na ng Palasyo ng Malacañang ang liham ni National Youth Commission Chairperson at Chief Executive Officer Ronald Cardema ukol sa mandatory Reserve Officers’ Training Corps (ROTC). Ayon kay Cardema, sumulat siya kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. upang hilingin na gumawa ng executive order hinggil sa mandatory ROTC habang wala pang batas hinggil dito. Ani Cardema, pinapakuha sa kanya ng Palasyo ang komento o opinyon ng iba’t ibang education agencies ng bansa katulad ng Department of Education (DepEd), Commission on Higher Education (CHED), Department of National Defense at Boys Scout and Girls Scout of the Philippines. Pinaliwanag din ni Cardema na dahil sa ROTC, puedeng makatulong ang mga kabataan na nagsanay dito sa mga disaster response ng bansa kapag may bagyo, lindol at iba pang sakuna. Sa ngayon, sinabi ni Cardema na marami na sa mga mambabatas ang mandatory ROTC. Hinihiling din ni Cardema kay Pangulong Marcos Jr. na mag-issue ito ng executive order uko...

Reklamo ng mga nagprotestang preso sa Iloilo, pinaiimbestigahan ng DILG sa BJMP

Image
IPINAG-UTOS ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na imbestigahan ang umano’y kakulangan ng pagkain sa Iloilo District Jail. Ito ay kasunod ng noise barrage protest ng mga inmate sa bubong ng bilangguan. Ayon sa DILG, ipinag-utos na nila kay BJMP chief, Jail Director Allan Iral ang agarang pagsasagawa ng imbestigasyon sa insidente at pansamantalang tanggalin sa pwesto si Jail Chief Inspector Norberto Miciano para bigyan daan ang impartial investigation. Inatasan din ng ahensya si BJMP VI Regional Director Jail Chief Superintendent Clint Russel Tangeres na agad tugunan ang mga concerns ng Persons Deprived of Liberty (PDLs) at tiyakin na nabibigyan ang mga ito nang sapat na pagkain at iba pang pangangailangan. Tiniyak din ng DILG na nananatili silang nakatuon sa pagtiyak sa makataong pagtrato sa mga PDL na pinangangasiwaan nito. [embedded content] Follow SMNI NEWS in Twitter

Pang-apat na kaso ng monkeypox nag-aalangan nang magbigay ng dagdag impormasyon – DOH

Image
INIHAYAG ng Department of Health (DOH) na kasalukuyang nag-aatubili na magbigay ng karagdagang impormasyon ang pang-apat na kaso ng monkeypox matapos malantad ang identity nito sa social media kamakailan. Hanggang ngayon kasi hindi pa matukoy ng ahensiya kung saan nito nakuha ang monkeypox virus dahil wala naman itong travel history sa mga bansang may kumpirmadong kaso ng sakit. Wala naman itong kaugnayan sa mga naunang mga kaso ng monkeypox sa bansa. Ang problema ngayon ng ahensiya, ayaw makipagtulungan ng 4th case matapos umano maisapubliko ang picture ng pasyente. “Ang isang nagiging challenge natin ngayon for us to establish the accurate history from the patient would be the patient now is quite hesitant to give us information because of all the media reports that has happened in the past days na-post ‘yung kanyang picture sa social media so medyo hesitant siya makipag-usap ngayon. Kaya kami ay patuloy na nakikipag-coordinate sa kanyang mga kapamilya para makausap natin siy...

Jordan Clarkson, pinanghihinayangan ang mga hindi naipasok na bola matapos matalo sa Lebanon

Image
PINANGHIHINAYANGAN ni Jordan Clarkson ang mga puntos na hindi niya nakuha sa laban ng Gilas Pilipinas kontra Lebanon sa FIBA World Cup 2023 Asian Qualifiers ngayong Biyernes. Magugunitang, natalo ang Gilas ng 4 na puntos ng Lebanon sa iskor na 85-81. Sa kabilang sa 27-point outing, hindi niya naipasok ang mga bola sa final 2 minutes ng laro, kabilang ang potential go-ahead floater sa 1:18 minuto na natitira sa laban. Dahil dito, ’tila ba sinisisi nito ang kanyang sarili sa mga hindi nai-shoot na mga bola, nakakuha lamang ito ng 2-pointers mula sa 9 na beses na pagtatangka. Sa kabila nito, pinuri pa rin ni Clarkson ang mga kasamahan na sina Kai Sotto at Dwight Ramos. Sa ngayon, ang standing ng Gilas sa Group E ay 2-3, umaasa naman si Clarkson na makababawi sa Lunes sa laro kontra Saudi Arabia sa Mall of Asia Arena. [embedded content] Follow SMNI NEWS in Twitter

DTI, hinimok ang mga maliliit na supermarket na makiisa sa pagpapababa sa presyo ng asukal

Image
Hinimok ng Department of Trade and Industry (DTI) ang mga maliliit na supermarket na makiisa sa programa ng pamahalaan na ibaba sa P70 ang presyo ng asukal sa mga pamilihan. Kasunod ito ng kontrobersyal na pagtaas ng presyo ng asukal sa mga pamilihan, kung kaya’t nagkaroon muli ng price monitoring ang DTI sa 4 na malalaking supermarket sa Maynila upang masiguro na ang mga ito ay sumunod sa Suggested Retail Price (SRP) ng ahensya. Kaugnay nito, hinimok naman ni Undersecretary Ruth Castelo ang mga maliliit na supermarket na makiisa sa adhikain ng pamahalaan na mabawasan ang gastusin ng mga mamimili sa pamamagitan ng pagbababa sa presyo ng asukal. Dagdag pa ni Castelo, bagama’t ito’y boluntaryo lamang na ginawang hakbang ng ilang may-ari ng supermarket na ibaba ang presyo ng asukal sa P70. Sa ngayon kasi ilan lamang sa mga supermarket ang nagbaba sa presyo ng asukal pero karamihan din sa kanilang bentang asukal ay branded kung kaya’t mas mataas ang presyo nito. Paglilinaw ni Usec. ...

Livestock Expo Philippines 2022 sa World Trade Center Manila, Pasay City, pormal nang binuksan

Image
PORMAL na binuksan ang Livestock Expo Philippines 2022 sa World Trade Center Manila , Pasay City nitong Agosto 24, na pinagsama-sama ang higit sa 3,500 stakeholder na kalahok mula sa buong mundo. Ang Livestock Expo ay itinuturing na nangungunang internasyonal na platform ng kalakalan para sa mga stakeholder ng industriya. Ito ay inorganisa ng International Exhibition Expert Group na Informa Markets at hino-host ng Department of Agriculture (DA) . Nakatakda ring talakayin ng mga eksperto at opisyal mula sa departamento ang iba’t ibang paksa at isyu tungkol sa produksyon ng mga hayop sa Pilipinas, kaligtasan ng pagkain at biosecurity, mga sakit na transboundary, at higit pa sa tatlong araw na kaganapan. Samantala ang Livestock Expo Philippines 2022 ay bukas mula Agosto 24-26 at libre sa publiko. [embedded content] Follow SMNI NEWS in Twitter