Thailand, hinigpitan ang mga panuntunan ukol sa crypto advertisements

HINIGPITAN na ng Securities and Exchange Commission (SEC) ang mga panuntunan sa pag-advertise ng crypto companies sa bansa.

Ang advertisement ng virtual tokens ay kinakailangang mayroong malinaw na babala ukol sa pag-invest sa cryptocurrencies.

Naglabas na rin ng babala ang mga awtoridad para sa maliliit na investors.

Ang bagong advertising rules na ito ay inilabas isang buwan matapos itigil ng Zipmex Thailand, isang local cryptocurrency exchange ang withdrawals mula rito.

Hinigpitan ng SEC ang mga patakaran matapos makita na ang ilang crypto advertisements ay walang babala sa mga papasok sa ganitong negosyo.

Follow SMNI NEWS in Twitter


Comments

Popular posts from this blog

Yakap ng Magulang Movement, nangangambang maulit ang pananambang ng NPA sa maghahatid ng tulong sa nasalanta ng bagyo

AFP, tinanggap ang bagong SMNI PAARU Reservists

Virtual Pag-IBIG Mobile App, inilunsad para sa mas mahusay na serbisyo