Japan, pagmumultahin ang mga ospital na hindi tatanggap ng infectious disease patients

MAGKAKAROON ng mabigat na multa ang malalaking ospital sa Japan na hindi tatanggap ng mga pasyente ng COVID-19 at iba pang infectious disease.
Magtatalaga rin ng multa ang gobyerno ng Japan sa mga indibidwal na papasok ng Japan na mayroong suspected na impeksyon na nabigong iulat ang kanilang kondisyon sa kalusugan.
Ayon kay Prime Minister Fumio Kishida, magkakaroon sila ng framework kung saan mayroon agad na maibibigay na medical service sa isang event na mayroong emergency.
Inutusan naman ng punong ministro na magkroon agad ng batas ukol dito.
Ito ay isang panukala na gagawa ng ahensya para sa Infectious Disease Crisis Management na isusumite sa parliamento sa regular session nito sa susunod na taon.
Comments
Post a Comment