Anti-communist groups, nadismaya kay Sen. Loren Legarda

DISMAYADO ang ilang anti-communist groups sa bansa sa tinuran ni Senador Loren Legarda kaugnay sa pagbaling nito ng suporta sa makakaliwang grupo na CPP-NPA-NDF.

Sa kanyang ipinadalang video message sa SMNI, nanggagalaiting sinagot ng grupong Yakap ng Magulang si Sen. Loren Legarda kasunod ng kanyang mungkahing irebyu ang Anti-Terror Law laban sa CPP-NPA-NDF.

Maalalang sa kanyang talumpati, tahasang dinepensahan nito ang makakaliwang kilusan at sinabing hindi ito dapat ituring na kalaban ng estado.

“I do not recall what law or what pronouncement of government has declared the Communist Party of the Philippines or similar organizations, movements, beliefs, or associations could be declared as enemies of the state. It’s so difficult to identify that,” pahayag ni Legarda.

Ayon kay Relissa Lucena, presidente ng Yakap ng Magulang, at kilalang biktima ng iligal na recruitment ng grupong Akbayan na front organization ng CPP-NPA-NDF sa bansa, nanghihinayang siya at ng kanyang mga kasamahan sa pagsuporta sa mambabatas noong nakaraang eleksyon.

Mula sa pahayag ng senadora, mariin ding tinutulan ng Yakap ng Magulang na pag-isahin ang mga teroristang kilusan sa poder ng pamahalaan.

Anila, malaking kalokohan ito ng mambabatas.

Samantala, hindi rin ikinatuwa ng League of Parents of the Philippines ang ginawang ito ni Legarda sa kabila anila ng tahasang recruitment at karahasan na ginagawa ng mga NPA sa bansa.

“Ano pa ba ang gusto pang patunayan ni Senador Loren Legarda? Parang ang ipinapakita niya ay kakampi na rin siya ng CPP-NPA-NDF. At saka nakikita mo na marami sa mga kabataan ang na-recruit na gawa ng mga front organizations ng CPP-NPA-NDF. Wala pa rin ba siyang ideya na kalaban talaga ng mamamayang Pilipino, ng bansang Pilipinas ang mga CPP-NPA-NDF,” pahayag ni Remy Rosadio, President, League of the Philippines.

Sa huli, pinanghihinayangan mismo ng grupo ang kanilang suporta sa senadora kung noon pa lang anila ay nalaman na nila ang tunay na kulay nito.

“Kung alam natin na noon pa lang supporter na siya ng CPP-NPA-NDF, kami mismo sa League of Parents of the Philippines ay ikinampanya natin na huwag siyang botohin gaya ng ginagawa natin sa iba pang mga tumakbo na mga kakampi ng CPP-NPA-NDF. Nabulag tayo ni Senador (Loren),” aniya pa.

Follow SMNI News on Twitter


Comments

Popular posts from this blog

Virtual Pag-IBIG Mobile App, inilunsad para sa mas mahusay na serbisyo

Estados Unidos, inalala ang mga buhay na nasawi sa Sandy Hook School shooting pagkatapos ng 10 taon