Mga nasawi mula sa sakit na dengue, umakyat na sa 400 – DOH

UMABOT na sa 400 ang nasawi sa bansa dahil sa sakit na dengue batay sa datos na inilabas ng Department of Health (DOH).
Ang naturang bilang ay naitala mula Enero 1 – Agosto 13 ng kasalukuyang taon.
Buwan ng Hulyo nang maitala ang pinakamataas na bilang ng nasawi na nasa 100 sumunod ay noong buwan ng Hunyo.
Sa kabuuan umabot na sa 118, 785 ang kaso ng dengue sa bansa na ayon sa DOH ay 143% na mas mataas kung ikukumpara noong nakaraang taon.
Karamihan sa mga dengue cases ay nanggaling sa Region III, Region IV at NCR.
Anim naman sa 17 rehiyon ay lumagpas na sa epidemic threshold sa nakalipas na apat na linggo.
Ito ay ang Regions II, III, CALABARZON, MIMAROPA, CAR, at ang National Capital Region.
Comments
Post a Comment