Maritime Exercise ng PCG at US Coast Guard, matagumpay

MATAGUMPAY at ligtas ang isinagawang Maritime Exercise ng Philippine Coast Guard (PCG) at United States Coast Guard (USCG) sa katubigan ng Mariveles, Bataan.

Ito ay sa kabila ng malakas na hangin at malaking alon nitong Setyembre 2-3, 2022.

Sa naturang pagsasanay, nasubok ang tibay at tatag ng mga kawani ng PCG.

Maliban sa joint search and rescue (SAR) exercise, naglunsad din ng anti-piracy exercise ang Law Enforcement Afloat Detachment (LEAD) team ng PCG.

Ang mga miyembro ng Coast Guard LEAD team ay sumailalim sa pagsasanay ng USCG, Bureau of International Narcotics and Law Enforcement Affairs (INL), at Japan Coast Guard (JCG) patungkol sa tama at epektibong pagsasagawa ng visit, board, search, and seizure (VBSS) na bahagi ng kanilang counter-piracy operations.

Follow SMNI NEWS in Twitter


Comments

Popular posts from this blog

Virtual Pag-IBIG Mobile App, inilunsad para sa mas mahusay na serbisyo

Estados Unidos, inalala ang mga buhay na nasawi sa Sandy Hook School shooting pagkatapos ng 10 taon