DFA kinikilala ang pagkokonsidera ng dating Chinese ambassador to the Ph. hinggil sa usaping joint oil and gas exploration ng China sa WPS

INANUNSYO ng Department of Foreign Affairs (DFA) na kinikilala ng Pilipinas ang pahayag ni dating Chinese ambassador to the Philippines Liu Jianchao kaugnay sa joint oil and gas exploration.

Umaasa si Jianchao na isasaalang-alang ng gobyerno ng Pilipinas ang joint oil and gas exploration kasama ang China sa West Philippines Sea (WPS) sa ilalim ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.

Ayon ito sa inalabas na pahayag ni DFA spokesperson Ma. Teresita Daza.

Gaya ng dati, ayon sa DFA ay ginagabayan ng Konstitusyon ang paggalugad, pagpapaunlad at paggamit ng mga likas na yaman na matatagpuan sa loob ng exclusive economic zone, continental shelf hurisdiksyon ng Pilipinas.

Matatandaan una nang naglabas ng pahayag si Liu na umaasa ito na ang mga talakayan ay magpapatuloy.

Inamin ni Liu na may mga legal na hadlang sa talakayan ngunit umaasa na ang parehong pamahalaan ay magiging “flexible” habang itinutuloy ang pag-uusap.

Ang dating Chinese ambassador ay kasalukuyan na ring Minister of the International Department of the Central Committee of the Communist Party of China.

Follow SMNI News on Twitter


Comments

Popular posts from this blog

Virtual Pag-IBIG Mobile App, inilunsad para sa mas mahusay na serbisyo

Estados Unidos, inalala ang mga buhay na nasawi sa Sandy Hook School shooting pagkatapos ng 10 taon