Mga residente ng Cotabato masayang nakasama si VP Sara sa huling araw ng kanilang Kalivungan Festival

MASAYANG nakasama ng mga residente ng Cotabato si Vice President Sara Duterte sa huling araw ng kanilang Kalivungan Festival.
Sa pagsisimula ng ber months masayang sinaksihan ng libu-libong mamamayan ang makulay at makinang na pagdirawang ng Araw ng Cotabato.
Isinagawa ang costume parade competition sa grandstand ng kapitolyo bilang highlights ng Kalivungan Festival 2022 na may temang “Matatag na Cotabato Susulong sa Anumang Hamon sa Buhay.”
Lumahok sa costume parade ang mga kawani ng provincial government na sumali rin sa paligsahan ng pagsayaw suot ang kanilang makulay na Mardi Gras costume.
Masayang nakasama ng mga residente sa pagtatapos ng kanilang face to face na Kalivungan Festival si VP Duterte bilang panauhing pandangal na personal na ipinakilala ni Gov. Emmylou TaliƱo-Mendoza.
Comments
Post a Comment