DAR Sec. Estrella, reresolbahin ang kakulangan ng abogado ng ahensya

RERESOLBAHIN ni Department of Agrarian Reform (DAR) Sec. Conrado Estrella III ang kakulangan ng abogado sa ahensya, ito ay upang mapabilis ang pagresolba ng mga kaso na may kinalaman sa agraryo.
Ayon sa kalihim, hindi sapat ang kanilang abogado ngayon upang suriin ang mga nakabinbing kaso sa ilalim ng DAR Adjudication Board at Agrarian Law Implementation (ALI).
Nasa higit 2,632 kaso pa ang kailangang resolbahin ng ahensya mula sa 640,807 caseloads simula pa noong 1988.
Habang mula naman 1993 hanggang Hunyo 2022 nasa kabuuang 945,875 caseload ang nasa ilalim ng ALI, pero nasa 943,584 lang dito ang naresolba.
Pagbibigay-diin ni Estrella, hamon sa kanilang ahensya ang pagkuha ng magagaling na abogado, kung kaya’t isa sa kanilang game plan ay paggawa ng scrap and build scheme.
Kung saan ia-abolish ang mga bakanteng posisyon upang bumuo ng mga kinakailangang posisyon para makapag-alok ng mas malaking suweldo para sa mga abogado.
Kumpyansa naman ang kalihim na maraming abogado ang makikipagtulungan sa ahensya upang resolbahin ang mga kaso at makakamit nito ang zero backlog.
Comments
Post a Comment