Pastor Apollo C. Quiboloy, suportado ang panawagan ni Sen. Tolentino vs teroristang grupo

SUPORTADO ni Pastor Apollo C Quiboloy, ang honorary chairman ng SMNI ang panawagan ni Senador Francis Tolentino laban sa teroristang grupo ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF).
Sa eksklusibong panayam ng SMNI NEWS, sinabi ng butihing Pastor na natutuwa siya na mayroon pang tumatayo na senador na walang takot na lumalaban sa teroristang grupo.
Matatandaang sa isang privilege speech, sinabi ni Sen. Tolentino na nais nitong i-require ang lahat ng mga government worker na i-disclose kung meron silang kamag-anak o miyembro sa kanilang pamilya na konektado o naging kasapi ng mga teroristang grupo tulad na lamang ng CPP-NPA-NDF na layuning pabagsakin ang pamahalaan.
Ang panawagan ng senador ay kasunod ng pagkakaaresto sa kapatid na babae ni Commission on Higher Education (CHED) Chairperson Prospero de Vera na pinaniniwalaang isang high-ranking officer ng Communist Party of the Philippines.
Punto pa ni Tolentino, maaaring may mga indibidwal na konektado sa teroristang grupo ang nasa gobyerno at may access o daan upang makakakuha ng mga kumpidensyal na impormasyon na maglalagay sa national security ng bansa sa alanganin.
Samantala, nanawagan si Pastor Apollo C. Quiboloy na huwag nang iboto sa susunod na halalan ang mga opisyal ng gobyerno na sumusuporta sa mga teroristang grupo.
Ang CPP at ang armed nito na New People’s Army, ay idineklara ng isang terrorist organization, hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa European Union, United States, United Kingdom at sa iba pang mga bansa.
Dagdag pa rito, ideneklara din ng Anti-Terrorism Council (ATC) ang CPP-NPA bilang mga terorista noong Disyembre 9, 2020 sa ilalim ng ATC Resolution No. 12, at gayundin ang NDF noong Hunyo 23, 2021 sa ilalim ng ATC Resolution No. 21. Itong lahat ay batay sa Anti-Terrorism Act of 2020.
Comments
Post a Comment