Halos P1.5-M na droga, nasamsam sa buy-bust sa Bohol

ARESTADO ang dalawang high-value individuals matapos ang operasyon ng pulisya sa Barangay San Isidro, Tagbilaran City, Bohol.

Kinilala ni PNP chief Police General Rodolfo Azurin Jr. ang mga suspek na sina Irwin Saco Ang, alyas Tabs at Zacarias Makalinao Gondong, alyas Pasmo na nabilhan umano ng iligal na droga ng pulis na nagpanggap na poseur buyer.

Nakumpiska sa kanila ang nasa 220 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price na halos 1.5 milyong piso at isang sasakyan.

Dinala na sa Tagbilaran City Police Station ang mga suspek na sasampahan ng paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Iginiit ni General Azurin na naging matagumpay ang isinagawang operasyon sa tulong na rin ng komunidad gayundin ng iba pang sektor at ahensya ng gobyerno.

Follow SMNI NEWS in Twitter


Comments

Popular posts from this blog

Yakap ng Magulang Movement, nangangambang maulit ang pananambang ng NPA sa maghahatid ng tulong sa nasalanta ng bagyo

AFP, tinanggap ang bagong SMNI PAARU Reservists

Virtual Pag-IBIG Mobile App, inilunsad para sa mas mahusay na serbisyo