Jordan Clarkson, pinanghihinayangan ang mga hindi naipasok na bola matapos matalo sa Lebanon

PINANGHIHINAYANGAN ni Jordan Clarkson ang mga puntos na hindi niya nakuha sa laban ng Gilas Pilipinas kontra Lebanon sa FIBA World Cup 2023 Asian Qualifiers ngayong Biyernes.

Magugunitang, natalo ang Gilas ng 4 na puntos ng Lebanon sa iskor na 85-81.

Sa kabilang sa 27-point outing, hindi niya naipasok ang mga bola sa final 2 minutes ng laro, kabilang ang potential go-ahead floater sa 1:18 minuto na natitira sa laban.

Dahil dito, ’tila ba sinisisi nito ang kanyang sarili sa mga hindi nai-shoot na mga bola, nakakuha lamang ito ng 2-pointers mula sa 9 na beses na pagtatangka.

Sa kabila nito, pinuri pa rin ni Clarkson ang mga kasamahan na sina Kai Sotto at Dwight Ramos.

Sa ngayon, ang standing ng Gilas sa Group E ay 2-3, umaasa naman si Clarkson na makababawi sa Lunes sa laro kontra Saudi Arabia sa Mall of Asia Arena.

Follow SMNI NEWS in Twitter


Comments

Popular posts from this blog

Yakap ng Magulang Movement, nangangambang maulit ang pananambang ng NPA sa maghahatid ng tulong sa nasalanta ng bagyo

AFP, tinanggap ang bagong SMNI PAARU Reservists

Virtual Pag-IBIG Mobile App, inilunsad para sa mas mahusay na serbisyo