Reklamo ng mga nagprotestang preso sa Iloilo, pinaiimbestigahan ng DILG sa BJMP

IPINAG-UTOS ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na imbestigahan ang umano’y kakulangan ng pagkain sa Iloilo District Jail.

Ito ay kasunod ng noise barrage protest ng mga inmate sa bubong ng bilangguan.

Ayon sa DILG, ipinag-utos na nila kay BJMP chief, Jail Director Allan Iral ang agarang pagsasagawa ng imbestigasyon sa insidente at pansamantalang tanggalin sa pwesto si Jail Chief Inspector Norberto Miciano para bigyan daan ang impartial investigation.

Inatasan din ng ahensya si BJMP VI Regional Director Jail Chief Superintendent Clint Russel Tangeres na agad tugunan ang mga concerns ng Persons Deprived of Liberty (PDLs) at tiyakin na nabibigyan ang mga ito nang sapat na pagkain at iba pang pangangailangan.

Tiniyak din ng DILG na nananatili silang nakatuon sa pagtiyak sa makataong pagtrato sa mga PDL na pinangangasiwaan nito.

Follow SMNI NEWS in Twitter


Comments

Popular posts from this blog

Virtual Pag-IBIG Mobile App, inilunsad para sa mas mahusay na serbisyo

Estados Unidos, inalala ang mga buhay na nasawi sa Sandy Hook School shooting pagkatapos ng 10 taon