Pakikilahok ng mga magulang sa edukasyon, dapat paigtingin – Gatchalian

DAPAT pag-ibayuhin ng mga magulang ang pakikilahok sa edukasyon at growth and development ng kanilang mga anak.

Ito ay inihayag ni Senador Win Gatchalian ang chairman ng Senate Committee on Basic Education.

Sa ilalim ng bagong batas na Republic Act No. 11908 o Parent Effectiveness Service (PES) Program Act, itatatag ang naturang PES Program upang tulungan ang mga magulang at parent-substitutes na paigtingin ang kanilang kaalaman at kakayahan upang mas magampanan nila ang kanilang mga tungkulin pagdating sa edukasyon ng mga bata lalo na sa gitna ng mga hamong dulot ng inobasyon, social media, at pagbabago sa mga values.

Si Gatchalian ang pangunahing may akda ng nasabing batas.

Hinihikayat ng batas ang mga magulang at mga parent-substitutes na suportahan ang cognitive development ng kanilang mga anak, kabilang ang pagpapaigting sa kanilang kaalaman sa pagbasa, mathematics, at science.

Layunin din ng batas ang pagsugpo sa child abuse, bagay na magagawa sa pamamagitan ng mas pinaigting na kaalaman ng mga magulang pagdating sa mga risk factors at mga senyales ng pang-aabuso.

Ang PES Program ay ipatutupad sa bawat lungsod at munisipalidad sa pamamagitan ng kanilang social welfare and development offices at government units.

Maghahanda ang mga opisyal ng iba’t ibang lokal na pamahalaan ng taunang programa para sa mga nasasakupan nilang barangay at kailangang bigyan ng prayoridad ang mga magulang at parent-substitutes na may mga anak na tinatawag na children at risk, children in conflict with the law, at mga batang nakaranas ng pang-aabuso.

Bibigyan din ng prayoridad ang mga solo parents, adolescent parents, at kanilang mga magulang at mga parent-substitutes.

Maliban sa pagbibigay ng proteksyon sa mga bata laban sa pang-aabuso, kasali rin sa modules ng PES Program ang mga hamon ng pagiging magulang, tamang pag-uugali ng mga kabataan, maayos na kapaligiran para sa bata, at ang pagpapanatili ng kaligtasan ng bata sa panahon ng kalamidad.

Inspirasyon ng batas ang Nanay-Teacher Program ng lungsod ng Valenzuela.

Ang programa ay ipinatupad sa tulog ng Synergeia Foundation at nagsimula bilang bahagi ng adbokasiya ni Gatchalian sa edukasyon noong siya ay alkalde pa lamang.

Follow SMNI NEWS in Twitter


Comments

Popular posts from this blog

Virtual Pag-IBIG Mobile App, inilunsad para sa mas mahusay na serbisyo

Estados Unidos, inalala ang mga buhay na nasawi sa Sandy Hook School shooting pagkatapos ng 10 taon