DTI, hinimok ang mga maliliit na supermarket na makiisa sa pagpapababa sa presyo ng asukal

Hinimok ng Department of Trade and Industry (DTI) ang mga maliliit na supermarket na makiisa sa programa ng pamahalaan na ibaba sa P70 ang presyo ng asukal sa mga pamilihan.

Kasunod ito ng kontrobersyal na pagtaas ng presyo ng asukal sa mga pamilihan, kung kaya’t nagkaroon muli ng price monitoring ang DTI sa 4 na malalaking supermarket sa Maynila upang masiguro na ang mga ito ay sumunod sa Suggested Retail Price (SRP) ng ahensya.

Kaugnay nito, hinimok naman ni Undersecretary Ruth Castelo ang mga maliliit na supermarket na makiisa sa adhikain ng pamahalaan na mabawasan ang gastusin ng mga mamimili sa pamamagitan ng pagbababa sa presyo ng asukal.

Dagdag pa ni Castelo, bagama’t ito’y boluntaryo lamang na ginawang hakbang ng ilang may-ari ng supermarket na ibaba ang presyo ng asukal sa P70.

Sa ngayon kasi ilan lamang sa mga supermarket ang nagbaba sa presyo ng asukal pero karamihan din sa kanilang bentang asukal ay branded kung kaya’t mas mataas ang presyo nito.

Paglilinaw ni Usec. Ruth, hindi compulsory na ibaba ang presyo ng  binebentang asukal ng mga supermarket lalo na kung ito ay branded dahil hindi aniya ito sakop ng SRP ng ahensiya.

Mababatid, 4 na kilalang supermarket ang pumayag na ibaba sa P70 ang presyo nito tulad ng SM Supermarket, Robinsons Supermarket, Puregold Supermarket at S&R Membership Shopping alinsunod na rin sa kautusan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.

Matatandaan, ang presyo sa merkado noon ng asukal ay P90-P110 per kilo.

Sa usapin naman ng asin, pagbibigay-diin naman ni Castelo na hindi dapat mangamba ang mga consumer sa suplay ng asin dahil sobra-sobra ito.

Pinabulaanan ni Castelo ang umano’y kumakalat na nagkukulang ang suplay nito.

Pasok din ang presyo ng asin sa SRP ng DTI, kung kaya’t hindi dapat ikabahala ang kagat na umento sa presyo nito.

Samantala, sinabi ng DTI na kasalukuyang wala pang naka-iskedyul na umento sa basic at prime commodities.

Sinabi ni Usec. Castelo, patuloy pa nilang pinag-aaralan ang kahilingan ng mga manufacturers.

Maliban diyan, ininspeksyon din ng DTI ang iba’t ibang inihahain na pang-Noche Buena, isa sa mga sinuri nito ay ang mga pasta, spaghetti sauce at iba pa.

Hinimok din nito ang mga mamimili na bumili nang maaga ng kanilang mga panghanda dahil karamihan sa mga ito ay mahaba pa ang kanilang shelf life o expiration.

Follow SMNI News on Twitter


Comments

Popular posts from this blog

Virtual Pag-IBIG Mobile App, inilunsad para sa mas mahusay na serbisyo

Estados Unidos, inalala ang mga buhay na nasawi sa Sandy Hook School shooting pagkatapos ng 10 taon