Pagpapaunlad sa buhay ng mga magsasaka, prayoridad ni PBBM – DAR Sec. Estrella III

PRAYORIDAD ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. ang pagpapaunlad sa buhay ng mga magsasaka.
Ito ang inihayag ni Department of Agrarian Reform (DAR) Secretary Conrado Estrella III.
Aniya, lalagdaan ni Pangulong Marcos ang executive order na magpatutupad ng moratorium sa pagbabayad ng amortizations fees at interest loans ng agrarian reform beneficiaries (ARBs) para masuportahan ang pagbibigay ng support services at mapabilis ang distribusyon ng mga lupa ng gobyerno na walang gumagamit.
Dagdag pa ni Estrella, lalagdaan ito ni Pangulong Marcos sa ika-65 kaarawan nito sa Setyembre 13 bilang bahagi ng kanyang commitment sa kasagsagan ng kanyang kauna-unahang State of the Nation Address (SONA).
Saad pa nito, ang pera mula sa ARBs na ginagamit na pambayad sa utang at ibang obligasyon ay gagamitin sa agricultural ventures at magagamit bilang karagdagang kapital para sa mas maraming agricultural production.
Comments
Post a Comment