DOH at DILG, pinulong ni PBBM para i-assess ang COVID-19 situation sa bansa

NAKIPAGPULONG si Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. sa matataas na opisyal ng Department of Health (DOH) at ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa Palasyo ng Malakanyang.
Batay sa post ng official Facebook page ng Office of the President, pinulong ni PBBM ang DOH at DILG upang i-assess ang COVID-19 situation sa bansa.
May kaugnayan din ito sa rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force na gawing opsyonal ang pagsusuot ng face mask sa outdoors.
Welcome naman sa presidente ang ulat ng Kagawaran ng Kalusugan na napanatili ang pagbaba ng mga kaso ng COVID-19.
Ayon sa DOH, ang mababang low positivity rate na 12% ay dahil sa matagumpay na pinalakas na national vaccine rollout ng gobyerno.
Comments
Post a Comment