Pastor Apollo, kinilala sa 6th Outstanding Men & Women of the Philippines 2022

MULING kinilala ang honorary chairman ng Sonshine Media Network International (SMNI) na si Pastor Apollo C Quiboloy sa ginanap na 6th Outstanding Men and Women of the Philippines 2022 na ginanap sa Promenade Hotel, Greenhills Sa San Juan City noong Sabado.

Pinarangalan ang butihing Pastor bilang Outstanding Man of the Philippines 2022 dahil sa humanitarian at environmental preservation program nito, gayundin ang kontribusyon ni Pastor Apollo para sa nation-building.

Si Pastor Apollo ay kilalang philanthropist sa bansa dahil na rin sa malaki ang puso nito sa pagtulong sa mga nangagailangan.

Isa din sa tinututukan ni Pastor Apollo ay ang pagtulong sa mga kabataan.

Kaya naman itinatag nito ang Children’s Joy Foundation na naniniwalang dapat isulong ang karapatan ng mga kabataan na makapag-aral, makakain nang tama, madamitan, mabigyan ng tahanan, mamuhay ng masaya, at may dignidad.

Sa katunayan, inihandog ng butihing Pastor ang kanyang kada taon bilang kaarawan ng lahat ng bata hindi lang dito sa Pilipinas kundi sa buong mundo.

Maliban dito, nangunguna rin ang butihing Pastor sa pagbibigay tulong sa lahat ng mga kababayan nating apektado ng iba’t ibang kalamidad, gaya ng bagyo, lindol, pagbaha at iba pa.

Katuwang ni Pastor Apollo sa kanyang mga relief operation ang Children’s Joy Foundation Inc, SMNI Foundation Incat Sonshine Philippines Movement Inc.

Isa rin sa programa ni Pastor Apollo ay ang pangangalaga sa kalikasan kung kaya’t ang nagtayo ito ng isang organisasyon na tumututok sa kapanan ng ating kalikasan.

Ang Sonshine Philippines Movement (SPM) ay nagsasagawa ng iba’t ibang environmental activities gaya ng clean up-drive at tree planting sa buong mundo.

Samantala, kinilala rin ang SMNI News bilang Outstanding News Channel 2022.

Ito ay dahil sa paghahatid ng mga makabuluhang balita para sa mga Pilipino.

Kung saan, bukod tanging media network na nagpapahayag ng katotohanan at patuloy na nagbabalita ng patas at walang kinatatakutan.

Sa katunayan, binigyang parangal din ang mga host ng programang Laban Kasama ang Bayan na sina Jeffrey ‘Ka Eric’ Celiz at former NTF-ELCAC Spokesperson Undersecretary Dr. Lorraine Marie Badoy dahil sa katapangan nila sa paglalahad ng makakatotohanang balita sa laban insurhensiya at terorismo.

Pinangaralan din ang iba’t ibang kilalang personalidad gaya ni Public Attorney’s Office Chief Persida Acosta bilang Outstanding Women of the Philippines 2022 gayundin si Nunungan Mayor Marcos Mamay  bilang Oustanding Man of the Philippines 2022.

Follow SMNI News on Twitter


Comments

Popular posts from this blog

Virtual Pag-IBIG Mobile App, inilunsad para sa mas mahusay na serbisyo

Estados Unidos, inalala ang mga buhay na nasawi sa Sandy Hook School shooting pagkatapos ng 10 taon