4 drug personalities, tiklo sa buy-bust sa Calamba City

NAARESTO ang apat na drug personalities sa isinagawang buy-bust operation sa Calamba City, Laguna.
Sa ulat kay Police Colonel Randy Glenn Silvio, OIC ng Laguna Police, nahuli sa Purok 5 ng Barangay 2 sina Jay-E Cerera Mulinyawe at Dennis Aguilar matapos mabilhan ng iligal na droga ng pulis na nagpanggap na poseur buyer.
Nakuha sa kanila ang 1.3 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng 8,840 piso.
Natiklo naman sa Purok 3 ng Barangay Real sina Michael Solomon Saclute at Alvin de Borja Perez, kung saan nakumpiska sa kanila ang 1.5 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng 10,200 piso.
Nasa kustodiya na ng Calamba City Police Station ang mga suspek na sasampahan ng paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Comments
Post a Comment