Imbestigasyon ng ICC sa war on drugs ng Duterte admin, pagpupulungan ng ilang government officials
PAGPUPULUNGAN ng ilang government officials ang imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC) sa war on drugs ng Duterte admin. Kinumpirma ng Office of the Solicitor General (OSG) na magtatakda sila ng pakikipagpulong sa Department of Foreign Affairs (DFA) , Department of Justice (DOJ), international law experts at sa Office of the President. Sinabi ni Solicitor General Menardo Guevarra na ilalatag niya sa isasagawang pulong ang ilang opsyon kaugnay sa nakaambang imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC), patungkol sa mga kaso ng pagpatay sa drug campaign noong Duterte admin. Kabilang sa binalangkas o nais ni Guevarra ay hamunin ang hurisdiksyon ng ICC sa kaso at ikalawa ay nais nitong manatiling bukas ang komunikasyon ng Pilipinas sa ICC. Nauna rito ay pinagkokomento kasi ng ICC ang Pilipinas para sagutin ang hiling ng prosekusyon na muling buksan ang imbestigasyon sa mga napatay sa war on drugs. Binigyan naman ang Pilipinas ng hanggang sa September 8, 2022...