Mabilis na pag-imprenta at distribusyon ng national ID cards, ipinag-utos ni PBBM

IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos ang pagpapabilis ng pag-imprenta at distribusyon ng national ID cards.

Nais ni PBBM na magamit na ng mga Pilipino simula sa unang bahagi ng taong 2023 ang national ID.

Higit 50 milyong national ID cards ang target na maimprenta ng pamahalaan.

Sa pulong balitaan naman sa Malakanyang, sinabi ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles na primary purpose ng pulong ni PBBM sa NEDA ay ang patungkol sa national ID system.

Bukod dito, ay wala nang impormasyon ang Palasyo kung mayroon pa bang ibang paksa na napag-usapan sa naturang pulong.

Saad ni Angeles, ang natalakay ay bahagi ng economic recovery ng bansa.

 “So, necessary kasi iyong national ID doon, essential siya lalung-lalo na doon sa banking systems at pagtatayo ng maliliit na negosyo or kahit anumang negosyo. So, sa credit system mahalaga din po iyong national ID system,” ani Atty. Trixie Cruz-Angeles, Press Secretary.

Sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA) as of June 30,  nasa 74 percent o 68.3 million national ID applicants na ang nakapagparehistro mula sa target na 92 million.

Subalit nasa higit 13.8 million pa lamang ang naideliver na physical cards.

Kung matatandaan, pinirmahan ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang Republic Act 11055 o PhilSys Act noong Agosto 2018.

Pebrero 2022, nilagdaan ni dating PRRD ang EO 162 na nag-uutos na tanggapin ang Philippine National ID bilang sapat na katibayan ng pagkakakilanlan at edad ng isang indibidwal sa lahat ng transaksyon sa bansa.

Ito ay upang mas mapabilis ang paghahatid ng serbisyo, mapadali ang paggawa ng negosyo at mapalakas ang financial inclusion.

Follow SMNI NEWS in Twitter


Comments

Popular posts from this blog

Virtual Pag-IBIG Mobile App, inilunsad para sa mas mahusay na serbisyo

Estados Unidos, inalala ang mga buhay na nasawi sa Sandy Hook School shooting pagkatapos ng 10 taon