Japan, planong suportahan ng enerhiya ang India

PLANONG suportahan ng Japan ng enerhiya ang bansang India.
Sa tulong ng Japan ‘Asia Energy Transition Initiative, pangungunahan ng Japan ang pagpoproduce ng clean energy sa mga bansang kabilang sa Association of South East Asian Nations (ASEAN).
Ayon kay Industry Minister Koichi Hagiuda ang paglulunsad ng ganitong programa ay makatutulong din sa bansang India na mapabuti ang takbo ng energy sources sa lugar.
Target din ng nasabing programa ang net-zero carbon emissions, $10 billion budget para sa renewable energy, energy efficiency at liquefied natural gas (LNG) projects.
Kasangga naman ng Australian government at ng international energy agency ang paglulunsad sa nasabing programa.
Dagdag pa ni Hagiuda, lubhang naapektuhan ang pagkuha ng energy sources sa ilang rehiyon dahil sa Ukraine-Russian war.
Samantala, plano naman ngayon ni Hagiuda na mapalakas pa ang liquefied natural gas output supply ng Japan sa tulong ng Estados Unidos at Australia.
Comments
Post a Comment