Isang parking lot attendant, ikinatuwa ang muling pagkikita nila ng kaniyang suki na si VP Sara Duterte

HINDI makapaniwala si Aling Gloria Magdael na muli silang magkikita ng kaniyang suki sa parking lot noon walang iba kundi si Vice President Sara Duterte.
Ayon kay Aling Gloria, siya pa rin ang Sara Duterte na kaniyang nakilala noong estudyante pa ito mabait, matulungin at mapagkumbaba.
Kuwento ni Aling Gloria, nagkakilala sila ni VP Duterte noong estudyante pa ito sa San Beda University sa Maynila bago ito lumipat sa San Sebastian College.
Siya at ang kaniyang anak na si Boboy ang nagbabantay sa sasakyan ni VP Duterte habang nasa law school ito.
Ngayong araw nga ay hindi masidlan ang tuwa ni Aling Gloria nang magkita sila muli ng pangalawang pangulo.
Ayon pa kay Nanay Gloria at ng kaniyang anak na si Boboy, hindi pa rin nagbabago si VP Duterte.
Siya pa rin anila ang mabait, matulungin at mapagpakumbaba na Sara Duterte na nakilala niya noong estudyante pa ito.
Comments
Post a Comment