8 lugar na sineserbisyuhan ng Maynilad, makararanas ng water interruption simula ngayong araw hanggang Hulyo 31

MAKARARANAS ng water interruption ang 8 lugar na sineserbisyuhan ng Maynilad simula ngayong araw hanggang sa Hulyo 31.

Ito ay bunsod ng raw water quality issue sa Laguna Lake.

Sa abiso ng Maynilad, mawawalan ng tubig araw-araw sa mga piling oras ang Bacoor, Imus, Noveleta, Rosario at Cavite City  gayundin sa Las Piñas, Parañaque at Muntinlupa.

Dahil dito, pinapayuhan ng kumpanya ang mga apektadong customer na mag-imbak ng sapat na tubig kapag available ang suplay.

Sinabi ng Maynilad na magdedeploy sila ng mobile tankers sa mga apektadong lugar para makapagbigay ng potable water at maglalagay rin sila ng stationary water tanks sa ilang lugar.

Upang malaman ang buong detalye ng water interruption, maaring bisitahin ang official Twitter at Facebook page ng Maynilad.

Follow SMNI NEWS in Twitter


Comments

Popular posts from this blog

Virtual Pag-IBIG Mobile App, inilunsad para sa mas mahusay na serbisyo

Estados Unidos, inalala ang mga buhay na nasawi sa Sandy Hook School shooting pagkatapos ng 10 taon