Refugee sponsor groups, inakusahan ang gobyerno ng Canada ng breach of agreement

INAKUSAHAN ng aabot sa 100 refugee sponsor groups ang Federal Government ng breach of agreement na nagdulot sa pagkaantala ng pagpapaabot nito ng tulong sa ilang vulnerable na grupo sa bansa.

Ang mga grupong ito, na kilala bilang sponsorship agreement holders, ay mga relihiyoso, humanitarian, o community organizations na umaako ng ganap na pinansyal, legal at logistic na obligasyon kaugnay ng pagkuha ng refugees para manirahan sa Canada.

Bawat taon, ang sponsorship agreement holders ay binibigyan ng kaukulang bilang ng refugee.

Kadalasan ay umaabot ito sa humigit-kumulang 10,000-12,000 kung saan maaari nilang isumite ang aplikasyon sa Immigration at Refugees and Citizenship Canada, na siyang nag-iinterbyu, nagsasagawa ng medical checkups at security clearance para sa mga ito.

Sumulat ng liham sa Federal Minister na si Sean Fraser, ang Canadian Refugee Sponsorship Agreement Holders Association (SAH Council) noong Hunyo 20 upang magreklamo na hindi pa rin binibigyan ng Ottawa ang mga miyembro nito ng kanilang taunang allotment para sa sponsorship spaces at sinasabi nitong isang paglabag ng sponsorship agreement ang ginawa ng gobyerno.

Dahil dito, nananawagan ito para sa agarang pagpapalabas ng 2022 allocation para dito.

Samantala, ayon pa sa samahan, ang delay na ito ay nagdudulot naman ng panganib sa libu-libong indibidwal na naninirahan sa ilang lugar na kinakailangan ng agarang paglikas.

Follow SMNI NEWS in Twitter


Comments

Popular posts from this blog

Virtual Pag-IBIG Mobile App, inilunsad para sa mas mahusay na serbisyo

Estados Unidos, inalala ang mga buhay na nasawi sa Sandy Hook School shooting pagkatapos ng 10 taon