Higit 30,000 dayuhang turista, bumibisita araw-araw sa Thailand

NAGPAHAYAG ang Bank of Thailand (BoT) governor na si Sethaput Suthiwartnarueput na inaasahan nilang aabot sa kabuuang 8 milyong dayuhang turista ang papasok sa bansa sa kabila ng lumalaganap na pandemya.
Base sa report, nagpapatuloy pa rin ang pagpasok ng mga turista sa kanilang bansa araw-araw at kung hindi magbabago ang bilang ng pumapasok, posibleng umabot sa higit 6 na milyon ang papasok sa katapusan ng taon.
Sa inilabas din na datos ng central bank economic data nitong Mayo mula Setyembre ng nakaraang taon ay nasa 1.31 milyong dayuhang turista ang pumasok sa bansa.
Habang nitong Abril ay humigit kumulang 300 libong turista ang pumasok sa bansa.
Samantala, dagdag pa ni Sethaput, tumaas ng 0.4% ang Gross Domestic Product (GDP) ng Thailand kasunod ng pagtaas ng mga turistang pumapasok sa bansa.
Comments
Post a Comment